Apri1 25, 2023 | Tuesday
Pagpapala At Layunin Ng Diyos
Today's verse: Genesis 12:2–3 - MBBTag
2Pararamihin ko ang iyong mga anak at apo at gagawin ko silang isang malaking bansa. Pagpapalain kita, at gagawin kong dakila ang iyong pangalan at ikaw ay magiging pagpapala sa marami. 3Ang sa iyo'y magpapala ay aking pagpapalain, at ang sa iyo'y sumumpa ay aking susumpain; sa pamamagitan mo, lahat ng mga bansa sa daigdig ay aking pagpapalain.
Read: Genesis 12
May mga klase ng pagpapala na dumarating sa tao dahil may layunin ang Diyos sa buhay ng taong iyun.
Ayon sa talata, nangako ang Diyos na pagpapalain niya si Abram. Wala pang pagsunod na ginagawa si Abram sa naunang utos, pero nangako na agad ang Diyos ng pagpapala! Binigyan pa ng Diyos ng detalye kung anong klaseng pagpapala ang gagawin Niya para kay Abram. Sa salitang English, ‘posterity’ at ‘prosperity’ ang nilalaman ng pangako ng Diyos. At kung uusad pa sa verse 3, may pangako din na ‘protection’. Ang ‘posterity’, ‘prosperity’, at ‘protection’ ay kapansin-pansin sa mga pangako ng Diyos. Ang mga pangako ay ibinigay ni Yahweh kay Abram dahil may ‘purpose’ ang Diyos sa kanya.
Tayo din naman ay may kanya-kanyang ‘purpose’ mula sa Diyos. Ang Diyos na mismo ang nagdesenyo nito. Nagpauna na ang Diyos ng Kanyang mga pangako dahil bawat tao ay may purpose mula sa Diyos. For sure, may mga natupad na sa mga pangako na ito ng hindi natin napapansin. Sa pag-discover natin ng purpose Niya sa ating buhay, nagkakaroon ng liwanag kung bakit may mga pagpapala na dumarating. Ito man ay opportunities, promotions, skills, talents, education, o connections, lahat ng mga ito ay galing sa Diyos. Ang mga ito pinayagan Niyang mangyari ng mapagpalang Diyos.
Ang challenge ngayon ay malaman natin bakit tayo may mga opportunities, promotions, skills, talents, education, o connections. Ito ay siguradong paramdam ng Diyos ng Kanyang ‘purpose’ sa ating buhay. Malamang! Ngayong araw na ito, isipin natin na ang mga ito ay nanyari dahil may pangako ang Diyos sa Kanyang mga nilalang. Malay natin, nakaantabay lang ang paglinaw ng layunin ng Diyos sa atin. Tayo ay manalangin at magpakumbaba.
Aming Panginoon, tulungan mo akong siyasatin ang opportunities ko ayon sa Iyong pananaw. Nauunawaan kong may mga pangako Kayo sa akin na natupad na ng hindi ko namamalayan. Ako ay mahal mo. Ngayon, ipahayag mo sa akin ang iyong ‘purpose’. Nalalaman ko na ang iyong ‘purpose’ sa akin ay konektado sa Iyong mga pangako sa akin.
Sa pangalan ni Hesu, Amen.
Pagnilayan:
Ano ang ibig sabihin ng ‘promise’ at ‘purpose’ ng Diyos?
Bakit mahalaga na madiskubre ng tao ang ‘purpose’ ng Diyos sa kanya?
Ano ang connect ng pangako ng Diyos sa layunin ng Diyos sa aking buhay?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions