Espesyal ang aklat ng Mga Awit o Psalms. 


Ang ibang mga aklat ng Biblia ay nangungusap sa iyo. Ang pinaka-kakaiba sa Psalms ay mga nasusulat dito ay nagungusap para sa iyo. Kaya habang binabasa natin ito ay malaki ang tulong para maka-usap natin ang Diyos ng may 'confidence' o lakas ng loob. HIndi natin kailangang manghula kung ano ang sasabihin sa Diyos. Ang Mga Awit na ang gagabay sa iyo.


Nawa ang "Devotions On The Book Of Psalms" ay maging daan para tayo ay mas lumago sa pananampalataya at sa ating pakikipagniig sa ating Diyos at Panginoon. Kapareho pa rin sa ating kinagawian na UVCC Daily Devotions ang format o pagkaka-ayos ng devotional material. Ang pagkakaiba lamang ay ating iisa-isahin ang  bawat chapter ng book of Psalms. Sa gayon ay maka-focus tayo sa klase ng panalangin at pagsamba meron ang Israel. Maging si Jesus Christ ay binasa at binulay-bulay ang Psalms. Siguradong ang mahalagang oras natin dito ay lubos na makakatulong sa ating pagkilala kay Jesu-Kristo. Sundan lamang itong ating gawi dito at sigurado na ikaw ang mas mapapalapit sa iyong relasyon sa Diyos. 


Enjoy!