March 11, 2024 | Monday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Manatili At Manahan Sa Presensiya Ng Diyos

Today's Verse: Psalm 27:3-4 (ASND)

3 Kahit mapaligiran ako ng maraming kawal, hindi ako matatakot. Kahit salakayin nila ako, magtitiwala ako sa Dios. 4 Isang bagay ang hinihiling ko sa Panginoon, ito ang tanging ninanais ko: na akoʼy manirahan sa kanyang templo habang akoʼy nabubuhay, upang mamasdan ang kanyang kadakilaan, at hilingin sa kanya ang kanyang patnubay


Read Psalm 27 

Anuman ang dala ng problema’t suliranin na hindi nauubos, iba pa rin ang hatid ng manahan at manatili sa presensiya ng Diyos.


Alam ni Haring David na ang mga problema na dala-dala ng gulo at pagtitiis ay maaaring hindi tumigil. May mga difficult situations pa rin na maaaring dumating. Ang tugon ni David dito ay hindi siya matatakot. Siya ay tuwina na magtitiwala sa Diyos. Alam ni David na nariyan ang Diyos kahit may mga problemang dala ang alinmang tao o anumang sitwasyon. Sa ganitong mga pagkakataon, ang pinakamahalaga kay David ay ang presensiya ng Diyos sa buhay niya. Ang karangalan at kagalakan na manatili sa tabi Diyos ang naisin niya ng higit sa lahat.


Ang manatili sa presensiya at sa kalooban ng Diyos ang pinakamahalaga pa rin sa araw-araw na buhay. Ang problema ay pilit na darating. Ang mga suliranin na dala ng iba’t ibang tao at sitwasyon ay dadaan at dadaan. Mawala man ang iba ay may darating pa rin ilan. Parang germs sa paligid, nariyan lang sila. Kung germs o virus ang problema, ang lumalagong Kristiyano ay dapat malakas ang spiritual immune system. Ito ay protection sa mga germ at viruses na naglipana. Dala ng emotional germs and spiritual viruses na ito ay ang spiritual sickness na magpapahina sa atin. Ang source o pinangagalingan ng ating spiritual immune system ng isang lumalago at masunuring Kristiyano ay ang presensiya ng Diyos. Ang unang focus ng lumalagong Kristiyano ay hindi ang solusyon sa makukulit na problema, kundi ang manatili sa presensiya ng Diyos Ama. Natural na may darating na problema. Ang tanong ay may presensiya ka ba ng Diyos kapag darating ang problema. Diyan lamang ang lumalago at masunuring Kristiyano.


Naisin higit sa lahat ang presensiya ng Diyos. Ito ang pinakamahalaga. Manatili sa tabi ng Diyos. Manahan Siya sa iyong puso at isipan. Ang magkaroon ng solusyon sa ating mga problema ay pangalawa lamang kumpara sa pananatili sa sentro ng kalooban at kadakilaan ng Diyos. Ang mapagmasdan ang Diyos at manahan sa pag-ibig ni Jesus ang pinakadakilang isang breakthrough at miracle. Manatili at manahan sa Diyos.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, ikaw ang lahat-lahat sa akin. Ang manatili at manahan sa iyong presensiya ay ang makamit ang iyong kalooban. Naniniwala ako sa iyo. Alam ko na ang solusyon sa problema at hindi imposible kapag ako ay nananahan at nananatili sa iyong kalooban. 

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Genesis 20-21

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions