March 8, 2024 | Friday
UVCC Daily Devotion
On the Book of Psalms
Ang Puso Ay Siyasatin, Subukin, Suriin
Today's Verse: Psalm 26:2-3 (ASND)
2 Siyasatin at subukin nʼyo ako, Panginoon. Suriin nʼyo ang aking pusoʼt isipan, 3 dahil lagi kong naaalala ang inyong pagmamahal, at namumuhay ako na pinanghahawakan ang inyong katapatan.
Read Psalm 26
Sa tuwing pagharap natin sa Diyos, payagan natin Siya na ang puso natin ay Kanyang siyasatin, subukin, at suriin.
Gawi ni Haring David na sa tuwina’y payagan ang Diyos na siyasatin, subukin, at suriin ang kanyang puso. Ito’y naging kasanayan na ni David. Alam niya na walang ibang may kaya na gawin ito maliban sa Diyos. Bagamat siya’y hayagang nagsasabi ng kanyang saloobin sa Diyos, si David ay ipinagkakatiwala pa rin ang kanyang sarili sa pag-ibig ng Diyos. Hangarin niiya na palagiang maging matuwid sa harapan ng Diyos. Kaya hiling din niya sa Diyos na siya’y ipagtanggol sa anumang problema na darating.
Ang Diyos lamang ang may kakakayanan na siyasatin, subukin, at suriin ang ating mga puso. Ang Diyos ang mas nakakaalam ng nilalaman ng ating puso. Siya ang mas nakakasiyasat, nakakasubuk, at nakaksuri ng mga nararamdaman natin, ng mga naiisip natin, maging ng mga nais nating gawin. Dahil dito, mas nagiging malinaw na sa paglapit natin sa Diyos sa pananalangin o pagsamba, hindi natin kailangan na linisin ang ating sarili. Ibig sabihin ay hindi tayo ang gagawa ng paglilinis ng ating budhi. Ang Diyos ang may kakayanan at may karapatan na maglinis at magpabanal sa atin. Sa New Testament, si Jesus ang tumanggap ng parusa at namatay sa krus para tayo ay tubusin sa ating mga kasalanan. Ang Kanyang sakripisyo ang nagbukas ng pinto para sa pagpapatawad at pagpapabanal ng Diyos. Kung papayagan natin si Jesus na siyasatin, subukin, at suriin ang ating mga puso, mararanasan natin ang pinakamapayapang pakiramdam.
Payagan mo si Jesus na ang puso mo ay siyasatin, subukin, at suriin. Maging humble at teachable. Huwag magturó ng kasalanan ng ibang tao. Maging mapagpatawad. Magkaroon ng pusong masunurin sa kalooban ng Diyos. Iwasang maging self-righteous or judgmental. Bagkus, mahalin at paglingkuran ang kapwa. Maging masigasig sa pananalangain, pagbabasa ng Biblia, at pagdalo ng pagsamba. Maging bahagi ng small group o Bible study. Sa ganitong mga paraan ng pag-bubulay ng Salita ng Diyos, mas napapayagan mo ang Diyos na ikaw ay siyasatin, subukin, at suriin. Mas nagiging makabuluhan ang iyong buhay Kristiyano.
Panalangin:
Aking Diyos Ama, ako’y nagpapasakop sa Iyo. Ang nilalaman ng aking puso ay maging kaaya-aya sa iyo. Ako ay nagpapakumbaba sa iyo.
Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Pagninilay:
Ano ang ibig sabihin na ang ating puso ay siyasatin, subukin, at suriin ng Diyos?
Papaano magiging kaaya-aya ang ating buhay sa paningin ng Diyos?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions