March 6, 2024 | Wednesday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Ligtas Sa Kapahamakan

Today's Verse: Psalm 25:14-15 (ASND)

14 Panginoon, kayoʼy malapit sa mga taong may takot sa inyo, at pinapaalala nʼyo sa kanila ang inyong kasunduan. 15 Palagi akong umaasa sa inyo, Panginoon, dahil kayo ang palaging nagliligtas sa akin sa kapahamakan.


Read Psalm 25 

Mas nagagawa ng Diyos na iligtas sa kapahamakan ang mga taong may paggalang sa Kanya.


Si Haring David ay may tiwala sa Diyos. Alam niya kung papaano magtiwala sa Panginoon. Naniniwala siya na ang pagtitiwala niya sa Diyos ay magdadala sa kanya sa kaligtasan. Kaya buong puso na inihahayag ni Haring David ang pag-asa niya sa Diyos. Anuman ang kanyang mga hugot sa buhay, anuman ang mga kaguluhan na nanyayari sa kanyang buhay, maski ang mga kahirapan, pagtititiis, maging kanyang nagagawang kasalanan, ay mapagpakumbabang tumatawag si David sa Diyos na kaya siyang iligtas.


Kaya ng Diyos na tayo’s iligtas sa anumang kapahamakan. Kung iisipin natin ang mga kaguluhan sa ating buhay, nakakamangha malamang ang mga ito. Kung pagtutuunan natin ng pansin ang ating mga paghihirap o pagtitiis, malamang tayo’y mawawalan ng pag-asa. Maraming mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin kontrolado. May mga pagkakamali tayo at magin ang mga tao sa paligid natin. Siguradong nagdadala ang mga ito ng hugot o mga katanungan sa ating buhay. Anupaman ang ating kalalagayan, katulad ni Haring David, kailangan natin ng paggalang sa Diyos. Kung gayon, ipapaalala ng Diyos sa atin ang kasunduan o ‘covenant’ natin sa Kanya. Anupaman ang ating pagtitiis o pagkakamali, katulad ni Haring David, ang pagtitiwala sa Diyos at kakayanan niyang iligtas tayo’y ay siguradong mamamayani. 


Maging ligtas dahil sa paggalang natin sa Diyos. Hindi man natin kontrolado ang maraming bagay o mga gawa ng mga tao, ang Diyos pa rin ang may kakayanan na iligtas tayo sa mga epekto ng ating mga pagkakamali at kasalanan. Umasa sa Diyos ng buong pagtitiwala. May kasunduan na available mula sa Diyos. Tumalima sa ating kasunduan sa Diyos. Magpakumbaba ng may pagsunod sa Diyos. Umasa sa Diyos. Magtiwala sa Diyos. Gawin ang tama. Siguradong mararanasan natin kalaunan ang pagliligtas ng Diyos sa anumang kapahamakan.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, Ikaw ang kaligtasan ng mga nagtitiwala at tumatalima sa Iyo. Ang kasunduan natin ay mahalaga. Tulungan Mo akong pahalagahan ang kasunduan natin. Nais kong maibigay sa Iyo ang nararapat na paggalang dahil ikaw ang aking Diyos.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Genesis 16-17

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions