May 13, 2024 | Monday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Ang Pakikipagdaupang-Palad Ng Tao Sa Diyos

Today's Verses: Psalm 71:19 (MBBTag)

Dakila ka, Panginoon, matuwid ka hanggang langit, dakila ang ginawa mo at wala kang makaparis.


Read Psalm 71

Ang kadakilaan ng Diyos ay mas nahahayag sa pakikipagdaupang-palad ng tao sa Kanya.


Ang pananalig ng sumulat ng Psalm 71 sa Diyos ay gayun na lamang. Binanggit niya ang kanyang mga malupit na naranasan sa mga kanya’y bumabatikos at nanlalait. Ngunit sa kalagitnaan ng mga pangyayaring ito, alam ng manunulat na tapat ang Diyos na kanyang pinananaligan. Higit pa katapatan ng Diyos, alam din manunulat na makapangyarihan din ang Diyos. Tunay na ang Diyos ay matuwid at dakila.


Naiisip natin ang mga problema natin. Ang mga pasakit na dala ng mga kahirapan sa buhay, mga batikos ng mga makasariling tao, ang nararamdaman natin na kawalan ng pag-asa, ang pakikipaglaban sa karamdaman, o kaya’y ang kahihiyan na dala ng maling balita. Ang mga ito ay parang mikrobyo na hindi mawawala sa paligid. Ang mga ito ay mananatili hangga’t narito tayo sa mundong makasalanan. Kaya sa ganitong klaseng mga pangyayari, ang pakikipagdaupang-palad ng lumalagong Kristiyano sa Diyos ay napakahalaga. Ang lebel ng pakikipagdaupang-palad natin sa Diyos ang magsasabi kung tayo ay magtatagumpay sa laban sa buhay o hindi. Ang kaugalian o kasanayan natin sa pananatili sa presensya ng Diyos ay mahalaga. Sa kabilang banda, ang kawalan ng pakikipagdaupang-palad sa Diyos ay mapanganib. Ayaw mo sa mga epekto nito. Ang kailangan natin ay regular na pagkilala sa kadakilaan ng Diyos at ng Kanyang mga gawa.


Makipagniig ng regular sa Diyos. Kahit na kinse minutos lang sa loob ng isang araw na walang kaagaw si LORD sa atin ay malaking pakinabang na. Ang iwanan saglit ang lahat ng kaabalahan at mav-focus sa Diyos ay siguradong panalo ang katid. Huwag magsayang ng oras at panahon. Huwag manghinayang sa pag-focus ng iyong pansin sa Diyos. Kailangan natin ito. Huwag maniwala sa mga boses na inililihis ka. Huwag ipagpabukas ang panalangin at pagsamba sa Diyos. Gawin na ang mga ito ngayon. Hundi ka lugi sa kinse minutos ng iyong buhay araw-araw na pakikipagdaupang-palad sa Diyos. Huwag ipagpabukas ang pagsunod sa Diyos. Sundin ang kalooban ng Diyos. Ang mga ito ay bahagi ng pkikipagdaupang-palad natin sa ating Panginoon. Dakila ang Diyos!

Panalangin:

Diyos Ama, dala ko ngayong ang lahat ng problema ko. Dala-dala ang aking sarili, iniaalay ko sa Iyo ang aking mga dalahain. Payapain mo ang puso ko sa Iyong kadakilaan.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Leviticus 17-18

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions