May 10, 2024 | Friday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Hindi Dapat Mainip

Today's Verses: Psalm 70:1 (MBBTag)

Iligtas mo ako ngayon, Yahweh, ako ay iligtas, tulungan mo ako, O Diyos, nang di mapahamak!


Read Psalm 70

Hindi dapat mainip dahil ang Diyos ay tutulungan ka’t ililigtas


Ang kahilingan ng manunulat ng Psalm 70 ay agarang siyang iligtas ni Yahweh. Pakiramdam niya ay napakalapit na ng kapahamakan. Inaamin niya na siya ay nangangailangan. At ang Diyos lamang ang pwedeng magligtas sa kanya laban sa mga taong masasama. 


Minsan may feeling tayo na mabagal gumalaw ng Diyos. Tayo ay naiinip. Madalas ay may naiisip na tayong solusyon sa ating problema. Minamadali natin ang DIyos. Sa ganitong pagkakataon, may feeling tayo na parang mas alam pa natin ang gagawin kesa sa Diyos. Ang pagiging mainipin ay parang bata na alam ang kanyang gusto ngunit hindi niya unawa ang sitwasyon. Ang bata ay maiinipin. Siya ay magmamaktol. Sa dulo ay iiyak ng malakas dahil minamadali niya nang makuha ang gusto niya. Sa isang banda, ang mainam sa mga bata ay kapag sila’y nalinang at natutunan nilang magtiwala sa kanilang magulang. Sila ay mag-aantay at maglalahad ng kanilang gusto ngunit ang kaibahan na ay may pagpapasakop na. Sa ganitong pananaw, hindi man natin maunawaan ang lahat ng mga pangyayari sa ating buhay, ang totoo ay Diyos pa rin ang Diyos. Laging may tamang tugon sa anumang sitwasyon natin. 


Magpakumbaba at magpasakop sa Diyos. Tayo ay nasa pangangalaga ng Diyos. Magtiwala ng may pag-asa. Ang Diyos ay tapat na tagapagligtas. HIndi Siya nagpapabaya. Tumawag sa Diyos at humngi ng tulong sa Kanya. Ito ay tanda ng pagpapasakop at pagpapakumbaba. Hindi dapat tayo mainip.

Panalangin:

Diyos Ama, salamat at palagi po Kayong nakikinig. Salamat sa Iyong katiyagaan sa amin. Patawarin Niyo po kami sa aming kakulitan. Kami ay nagpapasakop sa Iyo. Turuan Niyo kaming huwag maging maiinipin.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Leviticus 15-16

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions