May 7, 2024 | Tuesday
UVCC Daily Devotion
On the Book of Psalms
Hindi Ko Mapigilang Purihin Ang Diyos
Today's Verses: Psalm 67:3–4 (MBBTag)
3Purihin ka nawa ng lahat ng tao, purihin ka nila sa lahat ng dako. 4Nawa'y purihin ka ng mga nilikha, pagkat matuwid kang humatol sa madla; ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa.
Read Psalm 67
Ang pagpupuri sa Diyos ay sa maraming paraan at sa maraming dahilan
Nagpapang-abot ang mga papuri ng manunulat ng Psalm chapter 67. Hindi niya mapigilan ang sarili na purihin ang Diyos. Ilan sa kanyang mga dahilan ay ang habag ng Diyos, ang awa ng Diyos, ang matuwid ng hatol ng Diyos, ang patnubay ng Diyos, ang kabutihan ng Diyos, at iba pa. Maraming siyang dahilan para kilalanin ang Diyos sa pamamagitan ng awit.
Alam natin ang epekto ng LSS o ‘last song syndrome’. Kapag ikaw ay nakapakinig kahit di sadya ng isang kanta, maya-maya ay napapansin mo na rin na iyun na ang iyong kinakanta. Sa ganitong kadahilanan, parang may natural na pangyayari sa isip o puso ng tao na kung ano man ang kanyang madalas na naririnig, nakikita, o nararanasan ay yun na ang kanyang kaisipan at kinagawian. Ansarap ng feeling ng puno ang ating kaisipan at puso ng pagpupuri sa Diyos. Nawa, ang patnubay at kabutihan ng Diyos ay mas lalo nating maranasan sa araw ng ito. Tuloy tuloy na ang gawi kapag nasimulan nang purihin ang Diyos at Panginoon
Papurihan pa natin ang Diyos sa ating mga buhay. Tumingin sa kadakilaan ng kalikasan ng Diyos at hindi mo mapipigilan na magsisimulang magpuri sa Diyos. Subukan mong bilangin ang mga pagapala at kabutihan ng Diyos at hindi mo rin mapipigilan na magsisimulang magpuri sa Diyos. Maging magpasalamat at mas punuin ang iyong isipan ng pagpupuri sa Diyos.
Panalangin:
Mabuti ka aming Diyos Ama. Ang iyong katapatan at kabutihan ang makikita sa kalikasan at maging sa mga buhay ng mga tao. Anuman ang mga hindi kanais-nais na mga pangyayari sa buhay namin, ang pagpupuri sa Iyo ay hindi titigil, hindi magmamaliw, at hindi mapipigilan. Meron at meron na magpupuri sa Iyo. Nawa, ang aking gawa at pananalita ay magibigay papuri sa Iyo.
Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Pagninilay:
Ano ang mga dahilan para purihin ng tao ang Diyos?
Bakit ang isang lumalagong Kristiyano ay maraming dahilan para magpuri sa Diyos?
Paano magagawa na maging natural na gawi ang magpuri sa Diyos?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions