May 4, 2024 | Saturday
UVCC Daily Devotion
On the Book of Psalms
Ang Mabuting Balita Sa Lumang Tipan
Today's Verses: Psalm 65:3–4 (ASND)
3 Napakarami ng aming kasalanan, ngunit pinapatawad nʼyo pa rin ang mga ito. 4 Mapalad ang taong pinili nʼyo at inanyayahang manirahan sa inyong templo. Lubos kaming magagalak sa mga kabutihang nasa inyong tahanan, ang inyong banal na templo.
Read Psalm 65
Ang Mabuting Balita ng pagpapatawad at pagliligtas ng Diyos ay nahahayag sa Psalm 65 at maging sa buong Lumang Tipan.
Batid ni Haring David na ang pagpapatawad ng Diyos dahil batid niya ang pagkakasala ng tao. Higit pa sa pagpapatawad, ang Diyos ay nagbibigay din ng paanyaya na manirahan sa kanyang templo. Ang kahanga-hanga dito ay ang kagalakan na manirahan sa templo na tahanan ng Diyos.
Noon hanggang ngayon ay ipinaparanas ng Diyos ang Kanyang sukdulang biyaya. Tayo may ‘open invitation’ para maranasan ang kagalakan na makapiling ang Diyos. Isinulat at ipinaramdam sa Psalm chapter 65 ang buod ng ‘gospel‘ o ang Mabuting Balita ng pagpapatawad at pagliligtas ng Diyos. Bagamat ang chapter na ito ay nasa Lumang Tipan, ibig sabihin lang ay noon pa man ay hayag na ang pagliligtas ng Diyos. Sa Old Testament pa man ay nahayag na ang plano ng Diyos na makasama at makapiling Niya ang Kanyang mga pinili. Sa pamamagitan ni Jesus Christ sa New Testament, naselyohan ang ating kapatawaran at kaligtasan. Ito ay pagpapala para sa atin hanggang sa panahon na ito. Tayo ngayon ay may choice kung tatanggapin ba natin ito o babalewalain. Ang pinakapalatandaan dito ay ang ating pananampalataya at ang pagbabagong buhay.
Magpakumbaba ng may pagsisisi: Ang kasalanan mo ay magbubulid sa iyo sa kapahamakan. May kaparusahan ang Diyos sa mga namumuhay sa kasalanan. Ito ay bad news. Ito naman ang good news! Manampalataya sa Panginoong Jesus: Siya ang nagselyo ng pagliligtas na noon pa man ay ipinaparamdam na ng Diyos. Ito ang araw ng pagpaapla sa buhay mo. Magcelebrate: Kung si Jesus CHrist na ang iyong Panginoon at Tagapagligtas, mamuhay ka ng may pagpapasalamat at kagalakan. Dakila ang iyong gantimpala. Kaya ipamalita mo na: ang mabuting balita na ito ng pagpapatawad at pagliligtas ng Diyos ay dapat malaman din ng iyong mga kamag-anak at mga kaibigan.
Panalangin:
Aking Diyos Ama, sa pangalan ni Jesus na iyong anak, ako po ay nagpapakumbaba. Patuloy na nagsisi sa aking mga kasalanan. Linisin at patawarin mo ako sa aking mga pagkakasala. Pinapayagan ko na maghari sa akin ang Panginoong Jesus. Salamat sa iyong pagpapatawad at pagliligtas.
Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Pagninilay:
Ano ang mensaheng hatid ng ‘gospel’ mabuting balita ng Diyos?
Paano naselyohan ni Jesus Christ ang plano at ipinadamang mabuting balita ng Diyos maging sa Old Testament pa lamang?
Paano ang tamang tugon sa ‘gospel’ o mabuting balita ng Diyos dahil kay Jesus Christ?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions