May 2, 2024 | Thursday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Papuri At Pananabik Sa Diyos

Today's Verses: Psalm 63:1-3 (ASND)

1O Dios, kayo ang aking Dios. Hinahanap-hanap ko kayo. Nananabik ako sa inyo nang buong pusoʼt kaluluwa, na tulad ng lupang tigang sa ulan. 2Nakita ko ang inyong kapangyarihan at kaluwalhatian sa inyong templo. 3Ang inyong pag-ibig ay mahalaga pa kaysa sa buhay, kaya pupurihin ko kayo.


Read Psalm 63

Papuri at pananabik sa Diyos ang laman ng puso ng taong lumalago sa pagtitiwala sa Diyos.


David ay nagpuri sa Diyos sa gitna ng paghihirap. Maski siya ay tinutuligsa, siya ay nagtiwala sa Diyos at mas nanabik sa Panginoon. Dahil labis ang tiwala ni David sa Diyos, ang lumalagong pagkamangha niya sa kapangyarihan at kaluwalhatian ay mas yumabong. Hanggang sa punto na hindi niya na iniinda ang anumang banta sa paligid. Ito ay kahit na dala-dala ng problema o ng masasamang taong ang tangka sa kanya. Inawitan ni David si Yahweh ng may pasasalamat.


Ang papuri natin sa Diyos ay malaki ang kinalaman sa ating lebel ng pagtitiwala sa Panginoon. Paano ka magpupuri sa Diyos kung wala kang tiwala sa Kaniya? Kapansin-pansin na ang taong mababaw ang papuri sa Diyos, ay ang taong mababaw din ang tiwala sa Diyos. Ito ang panukat sa kalidad ng ating pakikipagniig sa Diyos. Ang pag-angkop natin na ang Diyos ang ating Diyos ay malaki ang hatid na galak sa Diyos. Sa ganitong estado ng pag-angkop sa Diyos na ating Diyos, mas nanaisin natin ang pagmasdan Siya, at mas maranasan natin ang kapangyarihan at kaluwalhatian Niya. Dagdag pa, kapag ang Diyos ang nagiging sentro ng ating buhay, ang presensya ng Diyos ang mas pinapahalagahan natin.


Magpuri sa Diyos. Manabik sa Kanyang presensya. Nararapat na tuwinang nakikipag-tagpo sa Diyos. Hindi sapat na ipagpalit sa kasalanan at kaabalahan ang maranasan ang kapangyarihan at kaluwalhatian. Alam natin na tayo ang lugi at hindi ang Diyos. Kaya magtiwala sa Diyos. Lumagi sa Kanyang pag-ibig at kalooban. I-motivate ang ating mga sarili na mag-devotions araw-araw, sumamba sa Diyos, magpuri sa Diyos, magtiwala sa Diyos, at sama-samang maglingkod sa Diyos. 

Panalangin:

Diyos Ama, ikaw ang dakila sa lahat. Ako ay pinagpala dahil sa Iyo. Ang aking ihaw at gutom sa iyong presenya ay iyong tinutugunan. Ako ay nananabik sa iyong kapangyarihan at kaluwalhatian. Sambahin ka sa araw-araw. 

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Leviticus 1-2

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions