April 29, 2024 | Monday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Silang Mga May Takot Sa Diyos

Today's Verses:  Psalm 60:4–5 (ASND)

4Ngunit, para sa aming mga may takot sa inyo, nagtaas kayo ng bandila bilang palatandaan ng aming pagtitipon sa oras ng labanan. 5Iligtas nʼyo kami sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan. Pakinggan nʼyo kami, upang kaming mga iniibig nʼyo ay maligtas.


Read Psalm 60

Tumutugon ng gabay at pagliligtas ang Panginoon sa mga tao na may takot o paggalang sa Diyos.


Alam ni Haring David ang pakahulugan ng pagkakaroon ng takot o paggalang sa Diyos. Alam ni David base sa pananampalataya at karanasan na ang Diyos ay gumagabay at nagliligtas sa mga may respeto sa Diyos. Tuwing nanalangin sila, alam ni David na ang Diyos ay nakikinig. Ang Diyos ay makapangyarihan.


Bahagi ng buhay Kristiyano ang paglago sa paggalang at pagrespeto sa Diyos. Ang mga salitang ‘takot sa Diyos’ sa panahon ng Old Testament ay mas unawa natin sa mga salitang paggalang at pagrespeto. Ang isang lumalagong Kristiyano ay may lumalagong ‘takot sa Diyos’. Tayong mga tao ay kailangang may paggalang at pagrespeto sa Diyos. Silang mga may ‘takot sa Diyos’ ay natututo na ibaling ang pansin sa Diyos tuwing may sakuna, problema, pag-uusig, o banta sa kaayusan at kapayapaan. Habang lumalago ang isang tao sa ‘takot sa Diyos’, siya ay lumalago din sa pananalig at pagtitwala sa Diyos. Maaaring siya ay malungkot o nabagabag. Ngunit ito ay panandalian lamang dahil kayang ibaling ang kanyang attention sa katapatan at kapangyarihan ng Diyos. Ganyan ang mga tunay na Kristiyano na may tunay na ‘takot sa Diyos’.


Ibaling ang attention mo sa Diyos. Ang Panginoon ay mas makapangyarihan kesa sa anumang problema. Bigkasin ang Salita ng Diyos sa iyong kalalagayan. Umawit sa Diyos ng may sigla at kapanatagan. Ipagyabang ang Diyos sa mga kwentuhan. Kapag may tanong sa iyong isipan, magtanong pero huwag pagdudahan ang Diyos. Umangat sa pagrespeto sa Diyos upang ang iyong pag-aalinlangan ay maglaho. Igalang ang Diyos ng may pagsamba at pagsunod. Igalang ang Diyos at si Jesus ng higit sa lahat.

Panalangin:

Aking Ama sa langit, bigyan mo ako ng lumalagong paggalang sa Iyo. Nawa, ang respeto na nagbibigay ko sa mga dakilang tao ay maibigay ko ng higit sa Iyo. No excuses. Just mere love and respect for God. Patawarin mo ako sa mga pagkakataon na mas takot ako sa problema at alalahanin kesa sa Iyo. Nawa, mapangiti kita ng mas madalas sa pamamagitan ng lumalagong respeto ko sa Iyo.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Exodus 35-36

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions