Apri1 26, 2023 | Wednesday

Ang Manirahan Ang Diyos Kasama Natin

Today's verse: Exodus 29:46 – MBBTag

Makikilala nilang ako si Yahweh, ang Diyos na nagligtas sa kanila sa Egipto. Maninirahan akong kasama nila; ako si Yahweh, ang kanilang Diyos.


Read: Exodus 29

Nanininirahan ang Diyos sa kalagitnaan ng mga taong kumikilala at sumasamba sa Kanya.


Ang Diyos na si Yahweh ang nagligtas sa mga Israelita mula sa pagkaalipin sa Egipto. Ayon sa Biblia, nasa 430 taon silang naalipin sa Egipto (see Exodus 12:40). Sila’y pinahirapan at wala silang laya na sambahin si Yahweh na Diyos ng mga Israelita. At nang sila ay mapalaya na dahil sa pangunguna ni Moises, nagbigay ang Diyos ng mga alituntunin patungkol sa pagsamba sa Kanya. Ang nararapat na pakikipag-ugnayan nila sa Diyos ay dapat na sundin ng buong bayan ng Israel. Ang dahilan ay ang malalim na naisin ng Diyos na manirahan kasama nila. Gusto ng Diyos na si Yahweh na manirahan kasama ng buong bayan ng Israel.


Sa ating buhay may mga nagawa na ang Diyos na pagliligtas. At kung tayo ay mga tunay na mananampalataya na ni Jesus Christ, tayo ay niligtas na sa kaparusahan dahil sa kasalanan. Ito ang pinakadakilang pagliligtas!  Kaya, dapat mas unawain at tanggapin natin na layunin ng Diyos na manirahan kasama natin. Kailangan nating kilalalnin Siya na Diyos na nagliligtas laban sa kasalanan, karamdaman, kawalan ng kapayapaan, at iba pang negatibong epekto ng pagsuway sa Diyos. Kung mangyayari ito, mas mararamdaman natin na naninirahan siyang kasama natin.


Bilang tugon, bawat araw mas payagan natin na iligtas tayo ng Diyos. Bawat araw, mas maramdaman natin na lahat ng pagpapala ay mula sa Kanya. Bawat araw, mas maunawaan natin na ang Diyos ang nagliligtas sa atin mula sa kaparusahan at kapahamakan dahil sa kasalanan at pagsuway. Kung gayon, bawat araw ng pagpapakumbaba natin ay mas magiging totoo na naninirahan ang Diyos kasama natin.

Aming Panginoon, gusto ko po na mas maramdaman Ka sa aking buhay. Gusto ko na mas maging totoo ang pagliligtas Mo sa akin sa anumang kaparusahan at kapahamakan dahil sa kasalanan at pagsuway. Hiling ko po na manirahan Ka sa aking pamilya. Ikaw ang aming Diyos, Panginoon, at Tagapagligtas.

Sa pangalan ni Hesu, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions