Apri1 23, 2023 | Sunday

Produktibong Buhay Kay Kristo

Today's verse  Juan 15:4 ASND

Manatili kayo sa akin at akoʼy mananatili sa inyo. Hindi makakapamunga ang isang sanga malibang nakakabit ito sa puno. Ganoon din naman, hindi kayo makakapamunga kung hindi kayo mananatili sa akin.


Read: John 15

Ang koneksyon natin kay Jesus Christ ay kasiguruhan ng buhay na mabunga.


Isang kondisyon ang sinasabi ng ating Panginoong Hesus, "manatili kayo sa akin at akoy mananatili sa inyo". Isang mataas na panawaganang pananatili ng closeness kay Jesus Christ. Isang katotohanan ng pagiging productive sa buhay ay ang pagiging dependent kay Christ. Ito ang sabi ng talata, “Hindi makakapamunga ang isang sanga malibang nakakabit ito sa puno. Ganoon din naman, hindi kayo makakapamunga kung hindi kayo mananatili sa akin." Ang abundant source ng isang produktibong buhay ay ang Panginoong Hesus. Ang kasiyahan ng ating buhay kristiano ay "Intimacy with Jesus”. Ang sunod na mga gagawin ay pawang mga resulta na lamang sa tunay nating relasyon kay Hesus. Ang “intimacy” ay pagsasapamuhay ng tamang katuruan ng Bibliya kasama ng pagpapasakop sa simbahan kung saan ka tinawag ng Panginoong Hesus. Hindi magiging produktibo ang buhay natin kung ihiwalay natin ang ating sarili sa nag iisang source. Walang "so called universal christian" na kung kani-kanino kumukuha ang kalakasan, na kung saan-saang simbahan pumapasok, at kung anu-anong katuruan ang tinatanggap. 


Kaya maging matiyaga tayo sa proceso ng Diyos. Ang buhay kristiano ay maaaring hindi namumunga agad-agad. Kundi dumaan tayo sa proseso ng Diyos. Magpatuloy tayo. Alagaan natin ang ating buhay mananampalataya. Bigyan natin ng panahon ang pagbabasa at pag aaral ng Bibliya. Isapamuhay natin ang katuruan ng Biblia. Sa ganitong mga pamamaraan ay darating tayo sa pagiging produktibong buhay Kristiano.

Aking Diyos sa pangalan po ng aming Panginoong Hesus, purihin at sambahin ka. Kami po ay nagpapasalamat sa pagbibigay ng iyong awa't-habag upang kami ay makapagpapatuloy sa aming buhay mananampalataya, maging malusog sa aming relasyon sa Iyo. Na kahit magkaiba-iba man ang aming pagsubok na hinaharap kami po ay nananatili sa aming Source –– ang Panginoong Hesus. 

Panginoon, tulungan niyo po kami na magkaroon ng sapat na oras sa Iyong Salita at maisapamuhay ito. Dalhin niyo po kami sa inyong nais sa aming mga buhay. Maraming salamat. Sa pangalan ng aming Panginoong Hesus, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Miguel Amihan, Jr

Read Previous Devotions