Apri1 10, 2023 | Monday

Maging Inspired Tayo Sa Faith Ng Iba

Today's verse  Ruth 1:15-16, ASND

15 Sinabi ni Naomi, “Bumalik na ang bilas mo sa mga kababayan niya at sa kanyang dios, kaya sumama ka na rin sa kanya.” 16 Pero sumagot si Ruth, “Huwag po ninyo akong piliting iwan kayo, dahil kung saan kayo pupunta, doon din ako pupunta, at kung saan kayo tumira, doon din po ako titira. Ang mga kababayan nʼyo ay magiging kababayan ko rin, at ang Dios ninyo ay magiging Dios ko rin.


Read: Ruth 1

Madalas, ang katapatang-loob ng isang tao sa Diyos ay nagiging mabisa at malalim kung nakapaloob sa isang malusog na relasyon o pkikipagkapwa tao. Ito ay inspiring!


Si Ruth (isang Hentil) ay napakainam na halimbawa ng katapatang-loob sa Diyos dahil sa impluwensiya ni Naomi (isang Hudyo). Hindi maikakaila na naka-impluwensiya ang pananampalataya at pamumuhay ni Naomi kay Ruth. Kaya kalaunan ay nagpahayag ng malalim na ‘commitment’ si Ruth sa Diyos ng Israel. Hindi magawa ni Ruth na iwanan si Naomi dahil siya ay napalapit na sa kanya. At willing na willing si Ruth na ibahin ang kanyang kinagisnan na diyos-diyosan para manampalataya sa Diyos ni Naomi –– si Yahweh! 


Itong kwento ni Naomi at Ruth ay patungkol sa nakaka-inspire na katapatang-loob sa Diyos. Ito ay nararapat mabigyan ng pansin. Mahalaga na maunawaan ang panawagan ng Diyos ng ilapìt ang ibang mga tao sa Kanya. Kailangan nating alalahanin ang mga tao na nangangailangan ng pagkalinga, ng gagayahin, ng pagkukuhaan ng pag-asa't lakas. Ito ay upang ang mga tao ding ito ay mapalapit sa Panginoon ng may katapatang-loob. Laman ng puso’t isipan ng Diyos ang ganitong mga tao. Mahalaga ding maunawaan na ang mga taong may pagkakilanlan na sa Diyos ay may responsibilidad na maging mabuting halimbawa sa mga taong katulad ni Ruth. 


Katulad ni Ruth, maging inspired tayo sa faith ng iba. Katulad ni Naomi, kahit hindi maganda ang mga pangyayari sa buhay natin ay maging mabuting inspiration pa rin tayo sa iba. Pangkalahatan, anuman ang ating situasyon, matuto tayong manampalataya, maging matatag sa pagsunod, at matutong maghintay dahil may Diyos na nagsasaayos ng mga bagay-bagay.

Aming Panginoon, patawarin mo kami sa mga panahon na halos give up na kami. Turuan mo kaming magtiwala sa iyo. Bigyan mo kami ng mga taong makakadaupang-palad namin sa mga mahihirap na pagkakataon.

Sa pangalan ni Hesu-Kristo, kami’y nananalangin, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions

Papaano napagtagumpayan ni Hesu-Kristo ang kamatayan at ang mga takot na dulot nito?

April 8, 2023

Papaano napagtagumpayan ni Hesu-Kristo ang kamatayan at ang mga takot na dulot nito?

April 7, 2023