Apri1 7, 2023 | Friday

Napagtagumpayan Na Ang Kamatayan

Today's verse  1  Corinthians 15:54-55, ASND

54 … “Nalupig na ang kamatayan; ganap na ang tagumpay!” 55 “Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay? Nasaan na ang iyong kapangyarihan?”


Read: 1 Corinthians 15

Kailangan natin maunawaan kung ano ang kamatayan, ang kapangyarihan nito, at ang nagawang katagumpayan ni Hesus laban dito.


Kalungkot man sabihin pero may kapanyarihan at katagumpayan na pinaghahawakan ang kamatayan laban sa mga tao. Ito ay dahil sa kasalananan. Kaya limang beses na binanggit sa buong talata ng 1 Corinto 15 ang salitang 'kasalanan'. Pinaparating nito sa atin na kailangan natin maunawaan na hindi minamaliit ng Biblia ang kasalanan. Ngunit, nagbigay ang Diyos ng paraan laban sa kasalanan at sa dala-dala nitong kaparusahan na kamatayan.


Tanong ng talata sa itaas kung nasaan ang tagumpay at ang kapagyarihan ng kamatayan. At sinabi din na nalupig na ang kamatayan. Ibig bang sabihin nito na wala nang taong mamamatay? Ang sagot ay “hindi” at “oo”. ‘Hindi’ ang unang sagot dahil mararanasan pa rin ng kahit sinong tao ang kamatayan. ‘Oo’ ang pangalawang sagot dahil ang pangalawang kamatayan (na tinutukoy in context kasama ng pagkabuhay ng muli) ay nawalan na ng kapangyarihan at katagumpayan dahil sa sakripisyong ginawa ni Hesus sa krus. Ang tanong ay para kanino ang katagumpayan na ito? Ang pangalawang kamatayan ay nawalan na ng katagumpayan at kapangyarihan sa mga tunay na mananampalaya ni Cristo-Hesus!


Kung nag-iisip ka kung ikaw ba mismo ay may katagumpayan na rin sa kasalanan at kamatayan, ito ang dapat nating malaman: ang katagumpayan na ito ay naka-reserve lamang sa mga naniniwala sa ginawang sakripisyo at pasakit ni Hesus sa krus. At kung may relasyon ka na talaga sa Kanya, di mo kailangan na matakot. Tanong: May takot ka ba? May mga takot ka ba lalo na sa kamatayan? Kung ikaw ang mananampalataya at pinaghaharian ni Hesus ang puso mo at ang buhay mo, hindi mo kailangan na matakot … lalo na sa kamatayan.

Aming Diyos at Panginoon, salamat sa iyo. Tinuturuan mo akong magkaroon ng panananampalataya. At dahil sa pananampalataya sa iyong Anak na si Hesus, mayroon pag-asa, buhay, at pagkabuhay na muli. Alisin mo sa akin ang anumang takot sa puso ko. Lalo na ang takot sa kamatayan. Unti-unti mong kompletuhin sa akin ang iyong gawa tungo sa buhay na walang hanggan.

Panginoong Hesus, Ikaw ang aking Diyos, Panginoon, at Tagapagligtas. Amen!

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions

Ano ang nais iparating ni Pablo nang sabihin niyang "upang maging kanyang sariling pag-aari?

April 5, 2023

Ano ang nais iparating ni Pablo nang sabihin niyang "upang maging kanyang sariling pag-aari?

April 4, 2023