Apri1 4, 2023 | Tuesday

Sariling Pag-Aari Ng Diyos

Today's verse  Tito 2:14, ABTAG

Na siyang nagbigay ng kaniyang sarili dahil sa atin, upang tayo'y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan, at malinis niya sa kaniyang sarili ang bayang masikap sa mabubuting gawa, upang maging kaniyang sariling pagaari. 


Read: Titus 4

Ang teksto ay sulat ni Pablo kay Tito upang sabihin sa mga taga Creta ang patungkol sa ginawa ni Kristo-Hesus –– na Siya ay nagbigay ng kanyang buhay upang matubos ang lahat sa kasamaan; upang ito ay kanyang lilinisin sa pamamagitan ng kanyang dugo; at upang ihanda Niya ang mga ito sa paggawa ng kabutihan...


Sa ginawa ni Kristo-Hesus walang anumang bagay o katumbas na halaga na kayang itapat upang mabayaran ng tao. Ang maging pag-aari ka ng Diyos ay nangangahulugan na binili ka Niya sa isang dakila at kahanga-hanga na pag aalay ni Kristo. Nang ibigay ni Kristo ang buhay Niya ay isang ‘extravagant love’ na ang ibig sabihin. At hindi rin dugo ng kordero o anumang hayop, kundi ang dugo mismo ni Kristo-Hesus. Kaya tayo ay Kanyang tinubos, nilinis, at inangking Kanya upang ihanda natin ang ating sarili sa paggawa ng mabuti, sa pagbibigay-lugod sa Diyos, sa paglilingkod ng may katapatan, at ang pag ibig sa kapwa mananampalataya –– na pawang lahat ay sa kaluwalhatian Niya.


Kaya hikayatin natin ang ating sarili na tayo ay para lang sa Diyos. Maglaan ng oras sa paglilingkod ng tapat, ang mapagkatiwalaan sa mga binigay sa atin ng Diyos sa pammagitan ng oras, talento o kayamanan. Maging mapagbantay tayo sa ating sarili upang hindi tayo magkasala at lumayo sa Diyos, Bigyan natin ng kahalagahan ang pananalangin at pagbubulay-bulay sa kabutihan ng Diyos. Mamuhay tayo sa pag-ibig ng Diyos. Nang sa gayon, ang pagmamahal natin sa Diyos at sa kapwa mananampalataya mas iigting.

Aking Diyos at Ama maraming salamat sa pagpapahalaga mo sa akin. Salamat dahil mahal mo ako at ibinigay ang buhay ng Iyong Anak para sa akin. Tulungan niyo po ako na mapaglaanan Kayo ng oras at panahon upang Kayo ay mapaglingkuran ng aking buong puso at lakas. 

Patuloy ko pong sinu-surrender ang kalooban ko sa Iyong pag-aalaga. Nagtitiwala po ako sa inyo dahil lahat ng ginagawa niyo sa akin ay pawang sa kabutihan kong lahat.

Purihin ka at sambahin ka sa Pangalan ng aking Panginoong Jesus. Amen.

Pagnilayan:

Written by: Miguel Amihan

Read Previous Devotions

Ano ang dapat nating gawin kapag dumating na ang galit, poot, o inggit sa buhay?

April 3, 2023

Ano ang ibig sabihin ng pangako ng Diyos na “Hindi kita iiwan ni pababayaan man”?

April 2, 2023

Ano kaya ang pinakaninanais ng Diyos mula sa Kanyang mga anak?

April 1, 2023