Apri1 3, 2023 | Monday
Ang Mabuting Puso Ay Nagpapasalamat Sa Diyos
Today's verse — Genesis 4:3-7, MBBTag
3 Dumating ang panahon na si Cain ay naghandog kay Yahweh ng ani niya sa bukid. 4 Kinuha naman ni Abel ang isa sa mga panganay ng kanyang kawan. Pinatay niya ito at inihandog ang pinakamainam na bahagi. Si Yahweh ay nasiyahan kay Abel at sa kanyang handog, 5 ngunit hindi niya kinalugdan si Cain at ang handog nito. Dahil dito, hindi mailarawan ang mukha ni Cain sa tindi ng galit. 6 Kaya't sinabi ni Yahweh, “Anong ikinagagalit mo, Cain? Bakit ganyan ang mukha mo? 7 Kung mabuti ang ginawa mo, dapat kang magsaya. Kung masama naman, ang kasalana'y tulad ng mabangis na hayop na laging nag-aabang upang lapain ka. Nais nitong pagharian ka. Kaya't kailangang mapaglabanan mo ito.”
Read: Genesis 4
Ang puso ng tao na puno ng poot, galit, ingit at hinanakit ay hindi makapagpasalamat ng tunay sa Diyos. Ito ay sa kadahilanang pinahintulutan niya ang kanyang sarili na kontrolin ng galit at hindi ng Banal na Espiritu.
Ang galit ng tao na nasa kanyang puso ang magdadala sa kanya patungo sa kasalanan. At ang kasalanan ay magdadala sa tao sa kapahamakan. Kaya hindi natin dapat paghariin ang galit sa ating puso. Ang poot ay magbunga ng kasalanan tulad ng nangyari kay Cain. Nang napansin ni Cain na hindi nasiyahan ang Diyos sa kanyang alay, siya’y nagalit at nagselos Kay Abel. Dahil sa selos at matinding galit na naghari sa kanyang puso, pinatay niya ang kanyang sariling kapatid.
Tayo ay kailangang maging malaya sa galit at poot para hindi tayo magkasala. Dapat makamit natin ang kapayapaan sa ating isipan para tayo ay makapagbigay ng totoong pagpapasalamat sa Diyos. Tanggapin natin ang kalayaan mula sa Diyos at magpapasalamat sa Panginoon. Huwag tayong magpapaalipin sa kasalanan. Lumapit tayo sa Panginoon at talikuran ang anumang kasalanan tulad ang galit, poot, o inggit. Alam nating hindi natutuwa ang Panginoon sa mga ganitong negatibong pag-uugali. Magpakumbaba tayo sa Dios dahil ang Dios ay handang tumulong sa naumang situation natin. Tawagin natin ang Panginoon ng taos sa puso at ibigay lahat-lahat sa Kanya. Sa gayon, ang ating buhay ay naka-’align’ sa Diyos. Bigyan tayo ng kapahingaan sa presensya ng Diyos.
Aming Panginoon na nagmamay-ari ng aming buhay, sa pangalan ni Jesus, ako po ay nagpapakumbaba at humihingi ng Iyong kapatawaran sa aking mga kasalanan. Kunin Niyo po ang poot sa aking puso at galit sa aking dibdib. Gawin mong mapagpasalamat ang aking puso sa Iyong kabutihan sa lahat ng oras. Ika'y maghari sa aking buhay.
Ang lahat ng ito ay aking hinihingi sa pangalan ni Jesus na aking Tagapagligtas, Amen!
Pagnilayan:
Ano ang dapat nating gawin kapag dumating na ang galit, poot, o inggit sa buhay?
Sa iyong palagay, papaano kaya na ang paglapit ba sa Panginoon ang dahilan para mapigilan ang paggawa ng kasalanan?
Kaya ba ng Dios na baguhin ang buhay ng isa? Papaano?
Written by: Randy Tumagna
Read Previous Devotions
Ano ang ibig sabihin ng pangako ng Diyos na “Hindi kita iiwan ni pababayaan man”?
April 2, 2023
Ano kaya ang pinakaninanais ng Diyos mula sa Kanyang mga anak?
April 1, 2023
Paano ipinapakita ang pagsunod sa mga utos ni Jesus bilang pagpapakita ng pag-ibig sa Kanya?
March 31, 2023