Apri1 2, 2023 | Saturday
Hindi Ka Iiwanan ni Pababayaan Ng Diyos
Today's verse — Hebrews 13:5–6, MBBTag
5 Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.” 6 Kaya't malakas ang loob nating masasabi, “Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, hindi ako matatakot. Ano ang magagawa sa akin ng tao?”
Read: Hebrews 13
Ang pangako ng Diyos na “hindi kita iiwan o pababayaan man” ay nakapaloob sa usapin tungkol sa pagkakaroon ng lakas ng loob, kakontentohan, at pag-iwas sa pagiging mukhang pera.
Ito ay nagpapahiwatig na ang Diyos ay may matinding pagkalinga sa tao:
May pagkalinga ang Diyos sa pangangailangan ng tao sa pera. Sa usapin ng pera ay mahalaga ang kakontentuhan. Ang kasiyahan ng tao patungkol sa labis na pagkakaroon materyal na bagay ay pwdeng humantong sa kawalan ng kakontentuhan at pagiging makamundo. Ang problema ay nawawala ang Diyos sa kaisipan dahil sa labis paghahangad. At pwedeng gumana ang pagiging makasarili at pagiging ganid.
May pagkalinga ang Diyos sa anumang di nararapat na takot ng tao sa kapwa tao. Sa usapin ng takot ay mahalaga ang pagkakaroon ng lakas ng loob. Ang kawalan ng lakas ng loob ay pwdeng humantong sa hindi pagsunod sa Diyos. Ang hindi pagsunod sa Diyos ay maaaring dala ng mas pagsunod sa tao. Ibig sabihin ay mas takot sa tao kesa sa Diyos.
Hindi natin kailangan magmukhang pera. Huwag tayong matakot na sumunod sa Diyos anuman ang ating nararamdaman. May pangako ang Diyos ay hindi Niya tayo iiwan o pababayaan. Magtiwala tayo sa Kanya. Tutuparin ng Diyos ang pangako Niyang “hindi kita iiwan o pababayaan man”
Ama sa langit, salamat at inaabot mo ako palagi. HIndi ka nagpapabaya. Ikaw ay nagkakalinga. Ikaw ay ay may pangako na hindi Mo kami iiwan o pababayaan. Ilayo mo kami sa anumang di nararapat na takot sa tao. Tugunan niyo po ang aming pangangailangan. Kami ay nakatingin sa Inyo at naniniwala kami na hindi Mo kami iiwan o pababayaan.
Sa Pangalan ni Hesu-Kristo, Amen!
Pagnilayan:
Ano ang ibig sabihin ng pangako ng Diyos na “Hindi kita iiwan ni pababayaan man”?
Ano ang problema sa tinutukoy ng Biblia na pagiging mukhang pera?
Sabi ng Biblia na pwede nating maranasan labis at di nararapat sa tao. Papaano mo ito mapaglalabanan?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions
Ano kaya ang pinakaninanais ng Diyos mula sa Kanyang mga anak?
April 1, 2023
Paano ipinapakita ang pagsunod sa mga utos ni Jesus bilang pagpapakita ng pag-ibig sa Kanya?
March 31, 2023