March 30, 2023 | Thurday
Lakas Laban Sa Takot at Pangamba
Today's verse — Isaiah 41:10, MBBTag
Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.
Read: Isaiah 41
Ang mapag-aralang mapagtagumpayan ang ating takot at pangamba ay mabuting adhikain ng Diyos para sa mga tao.
Simulan natin sabihin na ang talata na ito ay direktang pangako ng Diyos sa mga Israelita. Ang bansang Israel ay pinili ng Diyos para itaguyod ang kanyang kalooban. Ang pangako na ito ay ibinigay sa panahon na maraming dahilan ang bansang Israel para matakot at mangamba. Sila ay sakop ng isang marahas at nakakatakot na bansang Assyria. At sa panahon ding iyon ay nagpadala ng mensahe ang Diyos ng Israel na si Yahweh para sa bansang Israel. Kanyang sinabi, “Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.”
Sa panahon natin ngayon, malaki ang pakinabang ng talata na binanggit sa itaas. Tayo din naman ay may mga hinaharap na mga takot at pangamba. Tayo din naman ay nasa marahas na daigdig na madalas na nagbibigay ng takot at pangamba. Tayo din ay nangangailangan ng lakas at tulong mula sa Diyos. At ang mabuting balita ay may pangako ang Panginoon Diyos para sa kanino mang natatakot at nangangamba.
Ang pinaka kailangan nating magawa kung may takot at pangamba ay kilalanin natin kung sino ba talaga ang Diyos ng Israel. Siya nangako na, “… huwag kang matakot, ... hindi ka dapat mangamba.” Siya ang lumikha ng langit at lupa. Kaya niya na “Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.” Ngayon, kailangan natin na Siya na ang maging nag-iisang Diyos. Kung gayon, Siya ay sasaatin. Kapatid, huwag kang matakot. Huwag kang mangamba. Ituon mo ang iyong pansin at pananalig sa Diyos ng Israel. Kaya niya tayong iligtas sa pamamagitan ni Hesu-Kristo na Kanyang nag-iisang anak.
Aming Ama, sambahin ka. Salamat at ikaw ang nagsabi na tutulungan Niyo po kami at palalakasin Niyo kami. Ngayon, aking sinasabi na Ikaw ang aming Diyos. Sumaamin ka at tulungan niyo kaming paglabanan ang anumang takot at pangamba.
Sa pangalan ni Hesus, Amen!
Pagnilayan:
Anu-ano ang iyong mga kinakatakutan at pinangangambahan?
Ano ang mga pinanggagalingan ng iyong takot at pangamba?
Papaano mo idudulog sa Diyos ang iyong mga takot at mga pangamba?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions