March 28, 2023 | Tuesday
Magliwanag Sa Dilim
Today's verse — Juan 12:35, ASND
Sumagot si Jesus, “Maikling panahon na lang ninyong makakasama ang ilaw. Kaya mamuhay kayo sa liwanag ng ilaw na ito habang narito pa, para hindi kayo abutan ng dilim. Sapagkat hindi alam ng naglalakad sa dilim kung saan siya papunta.
Read: Juan 12
Ang buhay ng nakay Jesus Christ ay may liwanag na nagdudulot ng malinaw na pananaw tungkol sa opportunity.
Maikling panahon na lang noon magkakasama ni Hesus ang mga disipulo Niya. Kaya habang magkasama pa sila’y hinikayat Niya sila na samantalahin ang mamuhay sa liwanag ng Kanyang ilaw. Sapagkat ang salungat ng buhay sa liwanag ay buhay sa kadiliman – buhay na walang pag asa at kaligayahan. Sinasabi ng Biblia na "maikling panahon na lang" at "mamuhay kayo sa liwanag ng ilaw na ito habang narito pa"
Ang "mamuhay sa liwanag ng Ilaw" ay ang mabuhay kay Kristo-Hesus na puno ng pag asa, kaligayahan at kapayapaan, may kabanalan, pagpapatawad at pagsisisi. At habang lumalakad sa kaliwanagan ng ilaw unti-unti tayong nagliliwanag at lumalayo sa makamundong gawain. May nakikita ng pagbabago sa mga ugali at kinagawian. Ang resulta ay clear na pananaw, layunin at direksyon. In contrast, ang naglalakad sa dilim ay hindi malinaw ang layunin, malabo ang pananaw, walang sigurong plano, nabubuhay sa kasalanan, kasamaan, puno ng paninisi, kawalang pag asa. Ang mga taong lumalakad sa dilim ay nangangapa, nadadapa at walang direksyon.
Tayo ay hinihikayat ni Kristo na samantalahin ang pagkakataon. Gawin na natin kaagad ang anumang pinapagawa sa atin ng Diyos. Pahalagahan ang bawat oras ng paglilingkod. Magbahagi tayo ng Salita ng Diyos sa mga wala pa kay Kristo. Magkaloob sa gawain ng may katapatan tungo sa paglago ang gawain ng Panginoon. Gawin sa gabay ng Banal na Espiritu ang kagustuhan ng Diyos. Magbasa at aralin ng Biblia. Mag-focus sa mas mahahalagang mga bagay at hindi sa mga bagay na nagkakasala tayo. Gawin kung anuman ang nakakabuti.
Aming Ama, maraming salamat sa pagkakataong ito na kapiling Ka. Salamat sa bawat katuruan at kaalaman na nilalagay mo sa aming puso at isipan upang gawin ang aming devotionals. Kahit may mga hadlang hindi ako panghihinaan. Alam namin na sa lahat ng pagkakataon ay kumikilos ka para sa aming kabutihan. Hindi mo kami iniiwan sa gitna ng aming laban sa discouragement.
Aming Diyos patuloy Niyo po kaming tulungan na mamuhay na sa Iyong kaliwanagan. Mamuhay ng may takot sa Iyo. Kami ay magliwanag sa gitna ng karimlan at puno ng pag asa at kagalakan.
Sa pangalan ni Hesus, Amen!
Pagnilayan:
Sayong palagay bakit, kailangan natin na hikayatin ang ating sarili na samantalahin ang bawat pagkakataon na ibinigay sa atin ng Diyos?
Ano ang nais iparating ng Diyos ayon sa Juan 12:35
Ano ang kahalagahan nito sa mga Kristiano ang sinasabi ni Jesus sa Juan 12:35?
Written by: Miguel Amihan
Read Previous Devotions
Where can you find peace & strength during your struggles and hardships in your life?
March 26, 2023
Bakit ang pagtitiwala at pagsunod sa Diyos ay nagtutungo sa katagumpayan?
March 25, 2023