March 25, 2023 | Saturday
Ang Laban Ay Sa Panginoon
Today's verse — 1 Samuel 17:47, MBBTAG
At makikita ng lahat ng narito na makakapagligtas si Yahweh kahit walang tabak at sibat. Kay Yahweh ang labanang ito at ibinigay na niya kayo sa aming mga kamay.”
Read: 1 Samuel 17
Ang pagtiwala at pagsunod sa Diyos ay patungo sa katagumpayan.
Ang naging laban ni David at ni Goliath ang isang nakakamanghang pagtutunggali. Hindi ito patas dahil napakalaki ni Goliath laban sa maliit na si David. Pero sa kabila ng pang aalipusta at panlalait ni Goliath kay David, hindi napanghinaan ng loob si David. Bagkus lalo pa siyang nagkaroon ng pagtitiwala sa Diyos na makapagliligtas sa kanya kahit ang dala niya’y tirador lamang. Kumbisido siya sa kanyang sarili na kaya niya si Goliath dahil alam niyang ang laban ay kay Yahweh.
Ang verse ay nagpapakita ng dalawang bagay: hindi ayon sa lakas natin tayo magtatagumpay kundi ayon sa Diyos na nagbibigay ng tagumpay sa nagtitiwala sa Kanya. At isaisip sa umpisa pa lamang na ang bawat tagumpay ay para sa Diyos ang kaluwalhatian. Nakapaloob sa buhay ng Kristiano ang maraming labanan. At hindi madali ang mga ito. Humaharap tayo sa iba't-ibang hamon ng buhay katulad ng pagsubok, problema, sakit, o alalahanin. Hindi sa isang iglap ay mawawala kaagad ang mga ito. Ang pagharap sa higanteng sitwasyon ay dapat sabayan ng pagtitiwala sa mga pangako mula Salita ng Diyos, kasama ng pusong masunurin sa Diyos. Samahan pa ng kumpiyansa sa sarili na kaya mo ito. Anuman ang pamamaraan ng Diyos na dapat nating sundin ng may pananalig ay suguradong may makakakamit na tagumpay.
Magtiwala sa Diyos. Huwag kang matakot. Magkaroon ng sapat na kumpiyansa sa sarili. Magpatuloy sa paniniwala at pagsunod sa Diyos anuman ang hamon ng buhay. Gamitin ang iyong talents, skills, at anumang regalo sa iyo ng Diyos. Sanayin ang mga ito at palaguin. At sigurong magtatagumpay. Parangalan mo palagi ang Diyos.
Aming Ama, maraming salamat po sa Iyo anuman ang hamon ng buhay. Hindi namin ito kaya kung wala Ka. Pero magagawa namin ang lahat ng bagay dahil sa kalakasan na nanggagaling sa Panginoong Hesus. Maraming salamat sa bawat panalo namin mula sa Iyo. Maraming salamat din sa mga kaloob Niyong skills at talents. Sanayin mo kami. Palaguin at bigyan ng tagumpay.
Lahat ng ito ay para sa Iyong kaluwalhatian. Sa Pangalan ni Hesu-Kristo, Amen!
Pagnilayan:
Ano ang masasabi mo sa 1 Samuel 17:47?
Ang tagumpay ay "predictable" sa mga nagtitiwala sa Diyos. Anong habit na meron ka ngayon na makakatulong para sa future mong mga tagumpay?
Binigyan tayo ng Panginoon ng ibat ibang kaloob upang sanayin ito, talent or skill at iba pa. Paano mo binibigyang halaga ang kasanayang ito?
Written by: Miguel Amihan
Read Previous Devotions
Sino ba talaga ang Diyos at bakit ko siya dapat sambahin?
March 24, 2023
Ano ang dapat nating panghahawakan kapag ang presensiya at katapatan ng Diyos ay ating nauunawaan?
March 23, 2023
May ginagawa ba ang Diyos? Mayroon bang halaga sa Diyos ang nangyayari sa buhay ko?
March 22, 2023