March 22, 2023 | Wednesday
Obra Maestra ng Diyos
Today's verse — Mga Taga-Filipos 1:6
Natitiyak kong ang mabuting gawang pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa Araw ni Jesu-Cristo.
Read: Mga Taga-Filipos 1
Kapag nasa pagsubok tayo ng buhay naitatanong natin na “may ginagawa ba ang Diyos?” o ‘di kaya “mayroon bang halaga sa Diyos ang nangyayari sa buhay ko?”
Ang mga tanong na ito ay direktang sinagot ni Pablo, na tiyak iyon na may ginagawang magagandang bagay ang Diyos sa atin, pinasimulan na ito ng Diyos sa atin nang maranasan natin ang maipanganak na muli at nagkaroon tayo ng relasyon kay Jesus. Ngunit hindi tumitigil doon ang Diyos, hanggang ngayon ay patuloy Siyang gumagalaw sa ating buhay. Kahit na minsan ay hindi natin maintindihan ang nangyayari sa atin dahil sa mga pagsubok. Pero kahit anumang pasubok ay kaya Niyang gamitin ito upang hubugin ang ating buhay at lumabas ang magandang gawa Niya.
Anuman ang nangyayari sa buhay natin, mapamasama man o "malaki na pagsubok", o mapabuti man, ang Kamay ng Diyos ang umuukit sa plano na Kanyang sinimulan at pinagpapatuloy Niya ito. Hindi Siya tumitigil upang ito ay maging karapat-dapat sa pagdating ng Kanyang Anak, ang Panginoong Jesus, na Siya namang ating hinihintay.
Aming Ama maraming salamat sa ginagawa mo sa aming buhay, napakabuti mo sa bawat araw na kami ay hinuhubog mo ayon sayong kagustuhan at hanggang ngayon sa kabila ng mga pagsubok sa aming buhay hindi mo nilalayo ang Iyong sarili sa paggawa hanggang sa lumabas ang uyong nais sa amin, hanggang sa maging katulad kami ng Iyong Anak ang Panginoong Jesus.dalangin po namin in Jesus name. Amen.
Pagnilayan:
Ilista mo ang mga magagandang bagay na ginawa at ginagawa ng Diyos sa buhay mo, Anu-ano ang mga ito?
Ang Diyos ay gumagawa ng dakilang bagay sa buhay natin na gaya ng maging katulad natin si Jesus, ano ang ibig sabihin nito para sayo?
Written by: Miguel Amihan
Read Previous Devotions
Paano mo iuugnay ang iyong sarili sa pagtitipon ng mga Kristiyano upang mas maranasan ang pag-ibig at kapayapaaan ng Diyos?
March 20, 2023
Papaano maunawaan at magpasakop sa kaisipan at kaparaanan ng Diyos?
March 19, 2023