March 20, 2023 | Monday

Ang Pag-ibig at Kapayapaan ng Diyos

Today's verse  2 Corinto 13:11

Mga kapatid, hanggang dito na lamang, at paalam na sa inyo. Sikapin ninyong maging ganap at sundin ninyo ang mga payo ko; magkaisa na kayo, at mamuhay nang payapa. Sa gayon, sasainyo ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan.

Read: 2 Corinto 13

Si Pablo sa pagtatapos ng kanyang sulat sa mga taga Corinto ay may ilang mga bagay na pinahahalagahan kasabay ng kanyang pamamaalam. Ito ay kung papaano ang mga tagasunod ni Cristo ay mapuno ng kapuspusan ng Diyos. Kasabay nito ay kung paano mamuhay sa Kanyang pag-ibig at kapayapaan. 


Ang pag-ibig at kapayapaan ay matutupad kung mayroong tayong pagsisikap na maging ganap, may pagsunod sa Kanyang mga payo, at magkaisa sa pamamuhay ng payapa. Ang pagiging ganap ay nag-uumpisa sa pagtanggap at pagkilala kay Hesus. At ito’y nagpapatuloy sa pag-unawa at pagasapamuhay ng Bibliya. Ang mga pagsubok na dumaraan sa buhay natin ay pamamaraan din ng Diyos upang tayo ay lumago sa ating pananampalataya sa Kanya. Magiging malinaw sa atin katagalan na ang pagsunod sa payo ng ating mga pastor na galing sa pagsunod sa mga paalala sa Bibliya ay mas madali kung tunay na mahal natin ang Panginoon. 


Dahil dito, ang lumalalim na relasyon sa Diyos ay mas tataglayin ng mga mananampalataya. Ang pagsisikap na maging ganap ay mataas nating layunin bilang mga anak ng Diyos. Ang layunin natin dito ay maging katulad ni Jesus, magkaisa tayo, at mamuhay ng payapa kasama ang mga kapatiran. Ito ay susi para ang Presensya ng Diyos ay mananahan sa ating kalagitnaan. Sa ganitong antas ng pagpapahalaga ay maa-attract natin ang Presenya ng Diyos. At ang bunga nito sa buhay natin ay ang mapuno tayo ng Kanyang pag ibig at kapayapaan.

Aming Ama, maraming salamat sa Iyong pag ibig at kapayapaan na nilagay sa aming mga puso dahil sa pakipag-isa kay Kristo. Gabayan Niyo po kami sa mamuhay na may pagsisikap na maging katulad mo, sumunod sa Iyo, magkaisa, at maging payapa. Aa ganun, ang Iyong Presenya ay mananahan lagi sa aming kalagitnaan. 

Hiling po namin ito sa matamis na Pangalan ng aming Panginoong Jesus. Amen!

For Reflections:

Written by: Miguel Amihan

Read Previous Devotions

Papaano maunawaan at magpasakop sa kaisipan at kaparaanan ng Diyos?

March 19, 2023

Anong klaseng pagkalinga meron ang Diyos para sa iyo?

March 18, 2023