March 17, 2023 | Friday
Kapahingahan sa Diyos
Today's verses — Mga Awit 23:2, MBBTAG
Pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan, at inaakay niya sa tahimik na batisan.
Basahin: Mga Awit 23
Sinabi ni David na sumulat ng Salmo 23 na ang Panginoon ang kanyang mabuting Pastol kaya walang magkukulang sa kanya.Tulad ng relasyon ng Pastol at ng tupa, ang Presensya ng Diyos ang kanyang kapahingahan,"pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan at inaakay sa tahimik na batisan." Ito para kay David ay mahalaga. Ito ang sekretong lugar para kay David. At sa kabila ng digmaan dahil sa kanyang pagiging hari, ang makapiling si Yahweh ay higit pa sa isang libong araw at ang makaniig ang Diyos ay higit pa sa lahat ng mga bagay. Alam ni David na sa piling lamang ng Diyos matagpuan ang lahat ng kalakasan at tagumpay sa kaaway.
Maraming tao ay sobrang abala sa mga maraming bagay. Subalit sa Presensya ng Diyos tunay ngang matatagpuan ang kapahingahan. Sabi ni Jesus "“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan.
Katatagpuin ng Diyos ang iyong gutom at uhaw sa Kanyang presensiya. Ang iyong emptiness ay pupunuin ng Presenya Niya. Ibigay mo sa Diyos lahat ng iyong mga dalahin. Ang nagpapabigat sa iyong kalooban ay ipagtitiwala mo sa Kanya. Maging malalim ang iyong relasyon sa Kanya. Pagsikapan na makapakinig lagi sa Diyos.
Father in Jesus name, hayaan niyo po na ang pinakamahalaga sa amin na higit pa sa lahat ng bagay ay ang iyong Presensya, hayaan niyo po na ito ang pinakananaisin namin sa aming buhay ang makapiling ka araw-araw.
Pagnilayan
Paano mo nilarawan ang iyong ang ‘closeness’ sa God?
Bakit sinasabing ang "Intimacy with God" ang dapat nating naisin?
Ano ang mga pamamaraan mo bilang mananampalataya sa kabila ng kaabalahan sa buhay upang mabigyan ang iyong relasyon sa Diyos?
Written by: Miguel Amihan
Read Previous Devotions
Ano-ano ang pwedeng maging dahilan para ang tao ay humanga sa Diyos?
March 15, 2023
What does it really mean to have a sense of sacrifice and commitment?
March 14, 2023