March 24, 2023 | Friday

Sambahin Ang Diyos Na Makapangyarihan

Today's verse  Isaiah 6:3, ASND

Sinasabi nila sa isaʼt isa: “Banal, Banal, Banal, ang PANGINOONG Makapangyarihan! Ang kapangyarihan niyaʼy sumasakop sa buong mundo.”


Read: Isaiah 6

Sa ating pang-araw-araw na buhay, may isang napaka importanteng katanungan na dapat nating sagutin, “Sino ba talaga ang Diyos at bakit ko siya dapat sambahin?”


Ayon sa Isaiah 6, ang sigaw ng mga nilalang na pumapaligid sa makapangyarihang Diyos ay, “Banal, Banal, Banal, ang PANGINOONG Makapangyarihan! Ang kapangyarihan niyaʼy sumasakop sa buong mundo.” Ito ay isang panyayari na nagpapahayag ng pagsamba o paghanga sa Diyos -- sa Diyos na banal at makapangyarihan! At ang kabanalan at kapangyarihan ng Diyos ay ‘sumasakop sa buong mundo’. Ito ay isang katotohanan na dapat tanggapin at paniwalaan ng lahat ng tao. Ang katotohanang ito ay nabigyan pansin ni propeta Isaias. Mababasa na napansin niya agad ang kanyang kasalanan kumpara sa kabanalan ng Diyos (v.5).


Sa ating pang-araw-araw na buhay, ang kabanalan at kapangyarihan ng Diyos ay andyan lamang. Pero napapansin ba natin na hindi sumasamba ng nararapat ang maraming tao? Dalawang dahilan: hindi pa nasasabi sa kanila ng maayos na ang Diyos ay banal at makapangyarihan at dapat sambahin. O kaya’y hindi lang talaga binibigyang pansin ng marami tao na ang Diyos ay banal at makapangyarihan. Kaya, di tumutugon ng may pagsamba at pagsunod. Ito ay napakalungkot na mga pangyayari.


Ito ngayon ang pinakamahalaga, tayo ay masidhing tinatawag na sumamba ng may pagsunod sa Diyos -- sa Diyos na tunay na banal at makapangyarihan. Simula ngayong araw, payagan natin na mas sakupin ng Diyos ang ating mga puso. Payagan natin Siya na sakupin ang ating buong buhay. Inaantabayanan ng Diyos na tayo'y sumamba ng may paghanga at sumunod sa kanyang kalooban ng buong puso. Tunay na may galak sa pagsamba at pagsunod sa Diyos.

Aming Ama, salamat sa pagpapaalala mo sa akin ng katotohanang ito. Patawarin Niyo po ko sa aking kapos na pagsamba at kapos na pagsunod. Naniniwala po ako na ikaw ang Diyos na tunay na banal at makapangyarihan. Sakupin mo ang buong puso ko.

Sa Pangalan ni Hesus na aking Panginoon at Tagapagligtas, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions

Ano ang dapat nating panghahawakan kapag ang presensiya at katapatan ng Diyos ay ating nauunawaan?

March 23, 2023

May ginagawa ba ang Diyos? Mayroon bang halaga sa Diyos ang nangyayari sa buhay ko?

March 22, 2023

To whom do you call for protection when you are suffering?

March 21, 2023