March 27, 2023 | Monday
Alamin Na May Diyos
Today's verse — Psalm 46:10, MBBTag
Sinasabi niya, “Ihinto ang labanan, ako ang Diyos, dapat ninyong malaman, kataas-taasan sa lahat ng bansa, sa buong sanlibuta'y pinakadakila.”
Read: Psalm 46
Papaano ka mamamalagi sa Diyos gayong andaming problema’t kalungkutan sa paligid na gustung-gusto an pansinin mo sila?
Nakakamanghang sabihin ng Bible na, “Ihinto ang labanan” (Awit 46:10). At binigyan diin pa na ito’y napakahalagang malaman ng mga tao. Kaya tinatawagan ang lahat ng bansa na kilalanin ang kadakilaan ng Diyos. Dahil ayon sa Panginoon Diyos, Siya’y kataas-tasan sa lahat ng bansa at Siya’y dakila sa buong sangnilkha. Sa pag-usad ng panahon, lalo Siyang makikila nang gayon. Ang sabihin ng Bible na, “kataas-taasan sa lahat ng bansa, sa buong sanlibuta'y pinakadakila” ay panigurado na may mga tao na matutuhang ihinto ang anumang laban sa kanilang isipan at puso, at magbibigay ng pagdakila sa Diyos.
Maraming laban sa buhay. Andyan ang problema sa lungkot, depression, takot, pag-aalala, atbpa. Bukod pa diyan ang problema sa pera, karamdaman, at relasyon sa pamilya na dumaragdag sa mga negatibong emosyon. Ang anumang mga laban na ito sa ating isipan at puso ay dapat matutunan nating ihinto. Ang paghinto ng mga labanang ito ay mangyayari lamang kung matutunan nating mamalagi sa presensya ng Diyos. Kasabay ng pamamalagi sa Diyos ay ang pananahimik natin sa anumang mga angal natin sa buhay na nagiging daan pa para tayo ay lalong mamroblema.
Ibigay natin sa Diyos ang anumang takot at problema sa pamamagitan ng pagdala ng mga ito sa Diyos. Ibigay natin sa Diyos at huwag isantabi lamang. Kapag isinantabi lamang natin, wala pa ring solusyon. At babalikan pa rin natin. Ang dapat gawin ay dalin sa harapan ng Diyos, at ialay sa Kanya. Ang mga laban sa ating isipan ay atin nang haharapin na kasama na ang Diyos. Dahil diyan, nahihinto ang laban at mas nakikilala natin ang pag-ibig at kapangyarihan Niya. Ang tanong, willing ba tayo na gawin ito? Kung oo, tayo’y manalangin.
Aming Ama, nadaming laban na nanyayari sa aking buhay. Patawarin niyo po ako sa aking masyadong pagtitiwala sa aking sarili. Ngayon, ako’y humihingi ng patubay ako’y matutong mamamalagi at manahan sa Iyo, Aking Diyos at Tagapagligtas. Nagpapasakop ako sa Inyo. Dahil mahal mo ako, magtitiwala ako sa inyo.
Sa Pangalan ni Hesus, Amen.
Pagnilayan:
Ano ang ibig sabihin ng “Ihinto ang labanan, ako ang Diyos, dapat ninyong malaman”?
Anu-ano ang iyong mga pangkasalukuyang laban sa iyong buhay?
Napatunayan na kapag ikaw ay nakakapagpalakas ng loob ng ibang tao, ikaw mismo ang unang nakikinabng? Ano masasabi mo rito?
May kilala ka bang tao na sa palagay mo ay mas problemado kesa sa iyo? Anu-anong tulong ang pwde mong magawa para sa kaniya?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions
Where can you find peace & strength during your struggles and hardships in your life?
March 26, 2023
Sino ba talaga ang Diyos at bakit ko siya dapat sambahin?
March 24, 2023