Apri1 1, 2023 | Saturday

Pagpakumbaba At Pagsunod Sa Diyos

Today's verse  Filipos 2:8, ASND

At sa pagiging tao niya, nagpakumbaba siya at naging masunurin sa Dios hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus.


Read: Filipos 2:8

Ang pagpakumbaba at pagsunod ay ninanais ng Diyos mula sa Kanyang mga anak.


Sinasabi ni Pablo sa mga taga Filipos na magkaroon sila ng kaisipan tulad ni Kristo. Na kahit siya ay Diyos ay hindi niya pinipilit na maging kapantay ang Diyos. Bagkus, hinubad niya ito at naging tao, nagpakumbaba, naging masunurin at nagsakripisyo. Sinasabi ni Pablo na si Kristo ay dumaan sa matinding karanasan ng pagiging tao. Siya’y magutom at nauhaw at napagod. Ang rejection sa kanya at unbelief ng mga tao, at matindi sa lahat ay ang harapin niya ang parusang kamatayan. Lahat ng ito ay nagawa ni Kristo dahil sa pagpakumbaba at pagsunod Niya sa Diyos.


Ang pagpakumbaba ay tulad ng isang bata kailangan niyang dumepende sa kanyang Papa. Katulad ng bata we need to trust God totally. We can do nothing apart from Him. Ang kapakumbabaan ay pag-iwas sa pride o kaisipan na lagi kang tama. Ang kapakumbabaan ay may malasakit sa iba, iniisip ang kapakanan ng iba at ng husay ng iba. Ang kapakumbabaan para sa atin ay pag amin na tayo ay nagkasala at kelangan natin ang pagpapatawad ng Diyos. Ang pagsunod ay isang nais ng Diyos na tamasahin ng kanyang mga lingkod ang pagpapala, Ang Diyos ay nagnanais ng pagsunod na hindi hindi napipilitan ngunitmay pagmamahal at pagtitiwala. 


Halina’t maging mapagpakumbaba at maging masunurin tayo sa Diyos. Huwag tayong magmamalaki na kaya natin gawin gawin ang mga bagay. Mas maganda kung magawa natin sa bawat segundo ng ating buhay ay ang pagkatiwalaan ang Diyos. Huwag natin i-set aside si LORD kapag dumadating ang mahirap na sitwasyon ng ating buhay at umasa sa tao at sa ating nalalaman. Sanayin natin na sa bawat pintig ng ating puso at sigaw ng ating isipan ay si LORD. Anumang dumarating sa ating buhay, bad or good, tayo ay nagpapakumbaba at sumusunod sa Diyos.

Aming Ama, sambahin at purihin ka sa pangalan ni Kristo-Hesus, salamat sa patuloy mong pagtuturo sa akin sa pamamagitan ng iyong salita na matutunan ko ang pagpapakumbaba at pagsunod sayong mga utos, turuan niyo rin po ako na gawin ko ito sa paraan ng pagmamahal at pagtitiwala ko sa Inyo hindi sa pagmamalaki na ako ay anak niyo, hindi rin pagpapakitang-tao lamang kundi sa tulong ng Iyong Banal na Ispiritu.Maraming salamat LORD Jesus dahil kayo po ang nag iinitiate upang turuan kami ng pagpapakumbaba at pagsunodI love you LORD God. 

In Jesus’ Name, Amen!

Pagnilayan:

Written by: Miguel Amihan

Read Previous Devotions