Apri1 5, 2023 | Wednesday
Manumbalik Sa Diyos Ng May Tunay Na Pagsamba
Today's verse — Exodus 23:25, ASND
Sambahin ninyo ako, ang Panginoon na inyong Dios, at bibigyan ko kayo ng masaganang pagkain at tubig. Pagagalingin ko ang inyong mga karamdaman
Read: Exodus 23
Ang maranasan ang probisyon at pagpapagaling ng Diyos ay may kinalaman sa tunay pagsamba sa Diyos.
Ayon sa talata, ipinapahayag ng Diyos ang resulta ng tunay na pagsamba sa Kanya: probisyon at pagpapagaling. Ang resulta ay ang probisyon ng Diyos ng pagkain at tubig. At kasama nito ay pagpapagaling sa karamdaman. Makikita sa talata Exodus 23:25 na ang utos ng Diyos ay may kalakip na pangako. Kung ang mga Israelita na nasa disyerto ay sasamba at talagang ihahayag nila ang kanilang katapatan sa Diyos na si Yahweh, siguradong may probisyon at pagpapagaling.
Sa ating panahon ngayon, totoo pa rin ang sinabi ng talata sa itaas. Kailangan pa rin natin ang pagpapala at pag-iingat ng Diyos. Kailangan sundin natin ang sinasabi ng Biblia patungkol sa pagsamba na may paglilingkod at katapatan kay Yahweh na tunay Diyos. Dahil sinasabi sa atin ng Biblia na may klase ng probisyon at pagpapagaling ang Diyos na may kinalaman sa tunay na pagsamba –– ang pagsambang may paglilingkod at katapatan sa Panginoon.
Kung wala o bawas ang ating katapatan sa Diyos, ngayon ang panahon na manumbalik. Kung half-half ang ating commitment sa Panginoong Diyos, ngayon ang panahon ng pag-alay ng tunay at buong pusong katapatan sa Panginoong Hesus. Ang Diyos ay may kakayanan na magpala at magpagaling. Nasa Kanya ang mga tunay na kailangan natin. Tayo nang manumbalik sa Diyos ng may tunay na pagsamba.
Aming Diyos at Panginoon, patawarin mo ako sa aking kakulangan o kawalang ng pagsambang may paglilingkod at katapatan sa Iyo. Ako ay nagpapakumbaba. Inaamin ko na may mga pagkakataon na hinahabol ko ang pagpapala mula sa ibang nagpapanggap na Diyos. Ngunit nalalaman ko ngayon na Ikaw ang tunay na Diyos na pinanggagalingan ng tunay at siguradong probisyon at pagpapagaling.
Panginoong Hesus, Ikaw ang aking Diyos, Panginoon, at Tagapagligtas. Amen!
Pagnilayan:
Anu-ano ang pwdeng umagaw sa ating tunay na pagsambang may paglilingkod at katapatan sa Panginoon?
Papaano manumbalik sa Diyos ng may tunay na pagsamba?
Sinu-sino ang pwde mong makasama na manumbalik sa Diyos ng may tunay na pagsamba?
Written by: Gene Estrabon
Read Previous Devotions
Ano ang nais iparating ni Pablo nang sabihin niyang "upang maging kanyang sariling pag-aari?
April 4, 2023
Ano ang dapat nating gawin kapag dumating na ang galit, poot, o inggit sa buhay?
April 3, 2023
Ano ang ibig sabihin ng pangako ng Diyos na “Hindi kita iiwan ni pababayaan man”?
April 2, 2023