Apri1 9, 2023 | Saturday
Kay Kristo Lagi Kang Panalo
Today's verse — Mateo 16:18 MBBTAG12
At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang kapangyarihan ng kamatayan ay hindi magtatagumpay laban sa kanya.
Read: Mateo 16
Kapag kinonekta mo ang iyong sarili sa Church, lagi kang panalo sa kabila ng anumang sitwasyon.
Sinasabi ng teksto na si Jesus Christ ang nagtayo ng ‘ekklesia’ –– "sa ibabaw ng batong ito itatayo ko ang aking Ekklesia". At sinasabi rin ng Panginoong Hesus na ang Church na itinayo Niya ay laging panalo at hindi kailanman magtagumpay ang kapangyarihan ng kamatayan.
Ang bumubuo ng ‘ekklesia’ ay mga anak ng Diyos na konektado at nagtitiwala sa Kanya. Kailanman hindi sila lugi at talunan. Sa kanila’y laging may sapat na kalinga ang Diyos. Maging pag-aalaga sa kanilang pangangailangan sa anumang area at estado ng kanilang buhay. Ang Diyos ay may pangako sa mga anak na tapat na naglilingkod sa Kanya. Ang ‘ekklesia’ ay may kapangyarihan sa pagsasalita ng Kanyang kalooban. Sila’y nagiging daan tungo sa pagbabago at hindi ikinakahiya ang Salita ng buhay. Ang ‘ekklesia’ ay puspos ng kapunuan ng Diyos: Father, Son and Holy Spirit. Sila’y may ibat-ibang kaloob mula sa Banal na Espiritu at may kapangyarihan ng pagpupuri at pagsamba. Marami pang niregalo ang Diyos sa kanyang Ekklesia na hindi natin lubos mabilang o maisip. Bakit? Dahil si Jesus Christ mismo ang Master builder ng ‘ekklesia’.
Halinat mag-enjoy tayo. Humaharap man tayo sa maraming pagsubok, ang mga ito’y hindi tayo kayang gapiin dahil kay Kristo. Nangako si Kristo na ang kapangyarihan ng kamatayan ay hindi magtatagumpay laban sa Kanyang church. I-explore natin ang kapangyarihan ng pagsamba, mga kaloob ng Diyos at ibat-ibang supernatural na nilagay ng Diyos sa Church. Tayo’y kumonekta sa Diyos at magtiwala na ang lahat ng nasa ‘ekklesia’ ay inilagay upang ito’y ay maging matagumpay sa bawat haharapin na pagsubok.
Sambahin at purihin Ka aming Ama sa Iyong kabutihan sa bawat isa sa amin, Iyong mga anak. Salamat sa sapat na pag aalaga at pagbibigay sa amin ng Iyong kapangyarihan, ng iyong mga kaloob, benepisyo, at ibat-iba pang mga supernatural na kaloob Mo sa Church.
Patawarin niyo po kami sa kukulangan ng pag uunawa sa mga nais mo. Maging sa kakulangan ng paggamit ng maayos ng iyong mga ipinagkatiwala sa Church. Tulungan niyo po kami na maintindihan ang mga nais mong mangyari sa Church. Turuan niyo po kami ng tamang direksyon sa Church kung saan mo kami inilagay. Sa kapangyarihan po ng Iyong Banal na Espiritu at sa Pangalan ni Kristo-Hesus, Amen.
Pagnilayan:
Ano ang nais iparating sa atin sa talata tungkol sa church o ‘ekklesia’?
Maraming meaning at explaination ang mga tao sa pag intindi ng "Iglesya". Ayon sa talata, ano ang pakahulugan nito?
Marami umaangkin na mga lider ng ibat-ibang relihiyon na sila ang founder ng church. Ano ang kaugnayan nito sa binabanggit sa taas na talata sa sinabi ni Jesus Christ?
Written by: Miguel Amihan, Jr
Read Previous Devotions
Papaano napagtagumpayan ni Hesu-Kristo ang kamatayan at ang mga takot na dulot nito?
April 8, 2023
Papaano napagtagumpayan ni Hesu-Kristo ang kamatayan at ang mga takot na dulot nito?
April 7, 2023