Apri1 8, 2023 | Saturday

Pag-iyak Dahil Sa Dalamhati

Today's verse  Nehemiah 1:4-5, ASND

4 Nang marinig ko iyon, umupo ako at umiyak. Ilang araw akong nagdalamhati, nag-ayuno, at nanalangin sa presensya ng Dios ng kalangitan. 5 Sinabi ko, “Panginoon, Dios ng kalangitan, makapangyarihan po kayo at kamangha-manghang Dios. Tinutupad nʼyo ang inyong kasunduan nang may pag-ibig sa mga umiibig sa inyo at tumutupad sa inyong mga utos.


Read: Nehemiah 1

May panahon na ang pag-iyak dahil sa dalamhati ay may resulta na nagbibigay karangalan sa Diyos.


Si Nehemiah ay isang dakilang halimbawa ng pag-iyak dahil sa dalamhati na naparangalan ang Diyos. Ayon sa nakasaad sa Biblia, siya'y nasa maayos na kalalagayan, mataas ang posisyon, at hindi kailangan na mag-alala o magdalamhati. Ngunit nang napag-alaman niya ang kalalalagayan ng kanyang bayang Israel, siya ay nabagabag, umiyak, at nanalangin. DInala niya sa presensiya ng Diyos ang kanyang saloobin. At nanyari ito sa kanya ng ilang araw.


Maaalala natin na ganyan din ang nanyari kay Hesu-Kristo. Nababagabag ang kalooban ni Hesus para sa kanyang bayang Israel. Katulad ni Nehemiah, hindi siya nalungkot o naawa sa kanyang sarili. Kundi sila pareho ang mas inalala ang kanilang bayang Israel kesa sa kanilang mga sarili. Ayon sa Lukas 23:27-28, “Nilingon sila ni Jesus at sinabi, “Mga kababaihan ng Jerusalem, huwag ninyo akong iyakan. Ang tangisan ninyo'y ang inyong sarili at ang inyong mga anak.” Sa panahon na tayo'y may pag-iyak dahil sa dalamhati ng iba, ito ay may resulta na nagbibigay karangalan sa Diyos.


Ang ‘challenge’ ngayon para sa atin itong panahon ng pangingilin dahil sa pag-alala sa sakripisyo, kamatayan, at pagkabuhay na muli ni Hesu-Kristo ay ang mas isipin ang kalalagayan ng iba. Iwasan ang pagiging makasarili, hindi lamang maging makatao, kundi maging makadiyos. May matinding panawagan na tayo’y maging makadiyos at alalahanin ang lungkot at lumbay ng ibang tao. Alalahanin natin ang kapighatian at pangangailangan ng ibang tao. Mas isipin natin at iyakan natin sila. Kung gagawin natin ito: mas magiging makabuluhan ang ating nararamdaman at gagawin. At higit sa lahat, mapaparangalan natin ang Diyos.

Aming Diyos at Panginoon, maraming salamat sa araw na ito na kami ay ay binigyan niyo muli ng karapatang mabuhay. Nalalaman namin ngayon na may mga tao na mas mahirap ang situasyon kesa sa amin. Bagamat may sariling kaming situsyon na naiiyak kami dahil sa lungkot o dalamhati, meron pala na ibang tao na mas dapat namin iayakan dahil sa kanilang dalamhati. Ama, abutin niyo po sila ngayon at gamitin niyo ang panalaging ito na sila ay mapukaw sa kawalan ng pag-asa, tungo sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig na nagmumnula lamang sa Iyo.

Sa Ngalan ni Hesus, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions

Papaano napagtagumpayan ni Hesu-Kristo ang kamatayan at ang mga takot na dulot nito?

April 7, 2023

Ano ang nais iparating ni Pablo nang sabihin niyang "upang maging kanyang sariling pag-aari?

April 5, 2023