May 6, 2024 | Monday
UVCC Daily Devotion
On the Book of Psalms
Hindi Ako Busy Para Manalangin
Today's Verses: Psalm 66:18–20 (ASND)
18 Kung hindi ko ipinahayag sa Panginoon ang aking mga kasalanan, hindi niya sana ako pakikinggan. 19 Ngunit tunay na pinakinggan ako ng Dios at ang dalangin koʼy kanyang sinagot. 20 Purihin ang Dios, na hindi tumanggi sa aking panalangin, at hindi nagkait ng kanyang tapat na pag-ibig sa akin.
Read Psalm 66
Ang Diyos ay may sapat ng pag-ibig para hindi tumatanggi sa panalanging may pagpapakumbaba at pagsisisi
Ang manunulat ng Psalm chapter 66 ay puno ng masiglang papuri sa Diyos. Siya ay nanghihikayat na sumigaw ng may papuri sa Diyos. Marami ang ginawa ng Diyos na ikakahanga ng mga tao. Kaya ang mang-aawit ay handang ipahayag ang kanyang kasalanan. Alam niya na sa kabutihan ng Diyos ay nakikinig Siya sa mga panalangin ng mga taong nagpapakumbaba at humihingi ng tawad.
Hindi mo kailangan na pagdamutan ang sarili mo ng panalangin dahil sa iyong kaabalahan. Bilang busy na tao, minsan mahirap natin isipin na titigil tayo kahit saglit para manalangin. Marami tayong ginagawa araw-araw. Kulang ang araw minsan para gawin ang mga dapat gawin. Kaya nasasabi natin na ‘too busy to pray’. Ngunit napagtanto ko katagalan na dahil sa dami ng ating mga gagawin sa araw-araw, mas dapat akong manalangin para ako ay gabayan ng Diyos. Ito’y iwas o bawas mali, iwas kasalanan, o iwas kayabangan. Tayo ay may dahilan para mas manalangin sa Diyos araw-araw. Hindi tayo ganun kabusy para hindi manalangain.
Maglaan ng time manalangin araw-araw sa Diyos. Ipahayag ang ating kasalanan. Siguradong papakinggan tayo ng Diyos sa ating pagpapakumbaba sa Kanya. Tayo ay papatawaran Niya, gagabayan Niya, at pagpapalain Niya. Tara! Manalangin na!
Panalangin:
Mapagmahal na Diyos Ama, salamat dahil hindi Mo kami tinatangihan bagkus ay inaanyayahan pa kami na manalangin sa Iyo. Salamat sa iyong pagpapatawad. Purihin ka sa iyong katapatan. Ingatan at gabayan mo ako ng iyong pag-ibig ngayong araw na ito.
Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Pagninilay:
Ano ang kadalasang dahilan ng mga tao bakit hindi nananalangin?
Bakit dapat hindi mangilag na lumapit sa Diyos sa panalangin?
Paano maging tapat sa panalangin?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions