April 2, 2024 | Tuesday
UVCC Daily Devotion
On the Book of Psalms
Pag-Asa Sa Gitna Ng Mga Problema
Today's Verses: Psalm 39:7-8 (MBBTag)
7 Kung ganoon, Panginoon, nasaan ba ang pag-asa? Pag-asa ko'y nasa iyo, sa iyo ko nakikita. 8 Kaya ngayo'y iligtas mo, linisin sa aking kasalanan; ang hangal ay huwag bayaan na ako'y pagtawanan.
Read Psalm 39
Anuman ang ating problemang pinagdaraanan, may pag-asa pa rin na makikita kung tatawag sa Diyos.
Idinaan ni Haring David sa pagkatha ng awit ang ‘typical’ na dinadaanan ng tao na may problema. Ang problema man ay sa kapwa tao o sa ,ga pangyayari sa paligid, ang pagdaan sa problema ay totoo. Ngunit alam ni David na anuman ang problemang pinagdaraanan, may pag-asa pa rin. Ang pag-asa ay matatagpuan sa Diyos.
Ang pagsunod sa kalooban ng Diyos ay nagmumula sa pusong may pag-asa. Pag-asa na nagmumula sa Diyos ang kailangan natin. Ang pag-asa sa Diyos ay dakila sa lahat. Walang itong katulad. Walang maihahambing sa magandang dulot na dala ng makadiyos na pag-asa. Ang pag-asa at problema ay parehong naririyan. Kung may problema may pag-asa. Kung may pag-asa, ang problema ay hindi na ganoon karamdam. Sa isang milagrong pamamamaraan, ang problema ay humihina ang kapit sa puso at isipan ng tao kapag may pag-asang natatanaw. Si Jesus ang pinanggagalingan ng ating pag-asa. Kaya Siya namatay sa krus upang magbigay pag-asa. Nung mabuhay Siyang muli, ang mensahe Niya pa rin ay pag-asa. Kahit ang kasalan na ugat ng problema at kawalan ng pag-asa, ito ay nanghihina kung ang puso ng tao ay tatalima Diyos ng may pananampalataya.
Tumalima sa pag-asang hatid ng Panginoon Jesus. Bigkasin ang iyong pananalig sa Diyos. Iparamdam sa ibang tao na buhay ang iyong pananampalatayaan. Maniwala sa Kanyang Salita. Tanggapin ang pagyakap ng Diyos. Kahit na tayo ay nagugulumihanan dahil sa problema, sundin pa rin ang Diyos. Ang pagsuway sa kalooban ng Diyos ay umaagaw sa pag-asa at nagpapalayo sa atin sa pagibig ng Diyos. Kaya tayo’y tumalima sa mga utos ng Diyos.
Panalangin:
Aking Diyos Ama, ako ay lubos Mong pinahahanga. Ikaw ay palaging may surprise sa Iyong mga anak. Hindi ka nagpapabaya. Kahit na may feeling kami na parang wala, kami ay tulungan Niyo pa rin na maniniwala at tumalima sa iyo dahil sa pag-asang dala ng iyong anak na si Jesus.
Maraming salamat. Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Pagninilay:
Ano ang kahulugan ng pagkakaroon ng pag-asa?
Bakit may problema na dumarating sa buhay ng tao?
Papaano magkaroon ng pag-asa sa gitna ng mga problema?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions