March 26, 2024 | Tuesday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Maging Panatag Sa Panginoon

Today's Verses: Psalm 37:3–4  (ASND)

7Pumanatag ka sa piling ng Panginoon, at matiyagang maghintay sa gagawin niya. Huwag mong kaiinggitan ang masasama na gumiginhawa, kahit pa magtagumpay ang masasamang plano nila. 8Huwag kang magagalit. Pigilan mo ang iyong poot. Ni huwag kang mababalisa, dahil ito sa iyo ay makakasama.


Read Psalm 37

Ang tao ay mas masaya at kagamit-gamit sa Diyos kung may kapanatagan at malayo sa poot at sa inggit.


Alam na alam ni Haring David ang mamuhay ng may kapanatagan sa Diyos. Ngunit alam din niya kung papaano mainggit. Siya ay tao na may mga tanong kung bakit kung sino ang masama o walang takot sa Diyos siya ang umaasenso. Kaya, siya din ang nagbigay ng mga makadiyos na mga payo. Ang payo ni David ay patungkol sa paghandle ng emosyon. Kasama din dito ang tamang pakikipag-relasyon sa Diyos.


Ang mga lumalagong Kristiyano ay may challenges na kakaharapin. Ang mga lumalagong Kristiyano ay may mga tamang tugon na pwedeng gawin kahit na may mga challenges o paghamon. May mga emosyon tayo na dapat natin ihandle ng nararapat. Mga ugali na dapat mailinya ayon sa kalooban ng Diyos. Halimbawa ng emosyon at ugali na dapat mahandle ng tama ay ang galit at inggit. Ang isang tao na nakakaramdam ng galit at inggit ay nalalapit sa pagkakasala. Kung tatahakin ng lumalagong Kristiyano ang galit patungong poot at mag-react ng may inggit, mas maraming mawawala kesa mapapakinabangan. Mawawala ang kapayapaan sa puso. Ang mga dapat mong gawin hindi mo na magagawa sa makadiyos na paraan. At hindi pa roon, nanagawan na ang mga makasariling gawain nang dahil sa poot at inggit. Tandaan: Matatagpuan ang kaligayahan kung sa Panginoon ay maging panatag, sa kapwa ay gumawa ng mabuti, at sa inggit ay hindi nababagabag.


Pumanatag ka, kapatid. Huwag mainggit at mabagabag. Pamahalaan ang galit. Iwasan ang poot at inggit. Mas maraming tayong magagawa na makadiyos kung tayo ay panatag at hindi nangungunsumi dahil sa poot at inggit. Kung ikaw ay anak ng Diyos at tagasunod ni Jesus, hindi nababagay sa iyo ang poot at inggit. Ang best pa rin sa atin ay ang maging panatag sa Panginoon.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, aking hiling na akong panatagin Niyo. Tulungan niyo po akong panatagin ang aking puso’t isip. Patawarin mo ako sa anumang galit na naging poot. Iwaksi Niyo po sa aking puso ang anumang inggit. Bagkus ako sa Iyo ay magtiwala at maligayahan.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Genesis 40-41

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions