March 23, 2024 | Saturday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Ang Pag-Iingat At Pagliligtas Ng Diyos

Today's Verses: Psalm 35:9–10 (MBBTag)

9 Dahilan kay Yahweh, ako'y magagalak; sa habag sa akin ako'y iniligtas. 10 Buhat sa puso ko'y aking ihahayag, “Tunay ikaw, Yahweh, ay walang katulad! Iniingatan mo laban sa malakas, ang mga mahihina't taong mahihirap, at sa nang-aapi, sila'y ililigtas.”


Read Psalm 35

Ang Diyos ay may higit na kakayanan para tayo’y ingatan at iligtas sa anuman at sinuman.


Ang Psalm chapter 35 ay patungkol sa paghayag ng dalamhati ni David sa mga nararanasan niyang panghahamak at pang-aapi. Ang mga negatibong karanasan ni David ay mapagpapakumbaba niyang idinulog sa Diyos. Hindi ikinubli ni David ang kanyang kalungkutan sa ganitong mga pangayayari. Naisip niya din na ginawan niya ng kabutihan ang mga ito pero iba ang ipinalit. Kaya ang makadiyos na tugon ni David ay ang dalhin niya sa paanan ng Diyos ang kanyang sitwasyon.


Sa ating mga buhay, may mga tao at mga sitwasyon na lampas sa ating kakayanan na tugunan. Hindi natin kayang kontrolin ang mga tao o mga bagay-bagay. Ang mga dumarating sa atin na mga problema, paghamak, pang-aapi, o mga ‘challenges’ ay hindi natin mapipigilan. Ito ay mga ‘external factors’ na hindi natin kayang kontrolin o pigilan. Darating at darating sila. Pero may mga ‘internal factors’ na pwde at kaya nating pamahalaan. Yan ay ang ating emosyon, pag-uugali, at ating mga gawa. Katulad ni David, meron tayong Diyos na pwdeng pagdalhan ng ating mga problema sa buhay. Ang pananalangin at pakikipagniig natin sa Diyos ay mga mabisang gawain. Ang mga gawain na ito ay ‘proven and tested’ na parang ‘first aid’ sa isang taong nabugbog ng problema. 


Makipagniig sa Diyos kahit na ikaw ay palaging busy. Anuman ang problemang dumarating sa iyong buhay, ang paglapit mo sa Diyos at ang pananatili mo sa Kanyang presensya ang pinakamabisang paraan. Pinakamabisang paraan pa rin ang paglapit sa Diyos at ang pananatili sa Kanyang presensya laban sa anumang negatibo sa paligid. Ang anumang problema ay hindi tatagal sa presensya ng Diyos. Ang problema man ay physical, emotional, financial, o lalo na ang spiritual, ang mga ito ay best na dinadala sa presensya ng Diyos. Tayo ay maging masipag sa pananalangin at pakikipagniig sa Diyos. May mga tagumpay para sa iyo kung magpapakumbaba ka sa Diyos.

Panalangin:

Makapangyarihang Diyos Ama, ako ay nagpapakumbabang lumalapit sa Iyo. Naniniwala ako na kaya mo akong iligtas at  ipangtanggol sa anumang problema na pilit akong bigyan ng lumbay at kabiguan. Nawa, ang aking emosyon at aking buong pagkatao ay iyong sakupin. Ikaw ang masunod. Ikaw ang maghari.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Genesis 36-37

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions