April 1, 2024 | Monday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Panalangin Ng May Brokenness

Today's Verses: Psalm 38:9–10  (ASND)

9 Panginoon, alam nʼyo ang lahat kong hinahangad, at naririnig nʼyo ang lahat kong mga daing. 10 Kumakabog ang aking dibdib at nawawalan ako ng lakas; pati ang ningning ng aking mga mata ay nawala na.


Read Psalm 38

May gabay ang Biblia para sa pananalangin ng nakakaranas ng ‘brokenness’ o pasakit.


Nagbigay ang Bible sa panulat ni Haring David ng gabay kung papaano manalangin kung dumaranas ng pasakit. Inihayag ni David nararanasan ng tao ang panlulupaypay, pagkakasala, kalungkutan, pagod o panghihina, atbpa. Ang tukoy ni David ay matulungan ang mga tao na may ganitong kalagayan na lumapit pa rin sa Panginoon.


Ang Psalm 38 ay may alok na solusyon sa mga dumaranas ng ‘brokenness’. Ang alok ay ang siguradong kagalingan at kapayapaan na inilaan ng Diyos para sa mga mapagpakumbabang lalapit sa Kanya. Alam ng Diyos na ang taong ‘broken’ ay may kalalagayan na lubhang nasira at hindi na makapagpatuloy sa buhay. Hindi man binanggit ang salitang ‘brokenness’, halata na ang taong nakaranas ng mga sitwasyon kagaya ng pahayag ng nasa Psalm chapter 38 ay isang taong dumaranas ng ‘brokenness’. Ang kakulangan ng pag-asa, ang pighati, ang paghihirap ng kalooban, o kawalan ng gana na gumawa o gumalaw ay ilan sa mga senyales ng pagiging broken. Mag pag-asa pa – lalo kung ang Diyos ay bibigyan ng karapatan ng taong ‘broken’ na makiaalam sa kanyang sitwasyon. Magkakaroon din ng pag-asa kung ang may katawan ay magsisi sa anumang gawi at pag-uugali na hindi nakakatulong sa proseso ng pagpapagaling. Tayo bilang may katawan ay may responsibilidad. Tanging ang Diyos ang may kakayanin na gawin ang pagpapagaling.


Tumanggap ng kagalingan sa Diyos. Parang pisikal na sakit, ang ‘brokenness’ ay isang emosyonal at ispiritwal na karamdaman na nangangailangan ng kagalingan. Magpakumbaba sa Diyos. Ang pagpapakumbaba ay malaki ang magagawa para mas maranasan ang kagalingang. Pag-igihin ang spiritual habits. Malaki ang maitutulong ng pagbabasa ng Bible, pananalangin, pagdalo ng gawain, at pakikipag-sharing sa ilang maka-diyos na mga tao. Simulan at ipagpatuloy ang iyong pagpapagaling.

Panalangin:

Mabuting Diyos Ama, ako ay nagpapakumbaba sa Iyo. Sa king ‘brokenness’ ay ay Iyong kalingain at pagalingin. Ako ay iyong ipagtanggol sa mas malakas kesa sa akin. Aking ipinagkakatiwala ko sa iyo ang aking kalalagayan. 

Purihin ang Iyong pangalan. Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Genesis 42-43

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions