October 7, 2024 | Monday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Tumawag At Ika’y Tutulungan Ng Panginoon

Today's Verses:  Psalm 141:1–2 (ASND)

1Panginoon, tumatawag ako sa inyo; agad nʼyo akong tulungan. Dinggin nʼyo ang panawagan ko sa inyo. 2Tanggapin nʼyo sana ang dalangin ko bilang insenso, ang pagtataas ko ng aking mga kamay bilang handog panggabi


Read Psalm 141

Ikaw ba minsan ay atubili na lumapit sa Diyos?


Ang Psalm 141 ay isinulat ni Haring David at naglalaman ng kanyang panalangin sa Diyos. Hinihiling niya na maging maingat ang kanyang mga salita at kilos, at na sana'y pahalagahan ng Diyos ang kanyang mga panalangin. Nais niyang iligtas siya mula sa masama at mga tukso, na nagmumungkahi ng kanyang pagnanais na lumakad sa landas ng katuwiran.


May mga pagkakataon talagang mahirap lumapit sa Diyos. Ito ay lalo na sa mga panahon na may matinding kablisahan at pag-aalinlangan. Ang pakiramdam ng pag-atubili ay tila nagiging pader na humaharang sa ating puso na nagdudulot ng damdaming naguguluhan at pakiramdam ng nag-iisa. Sa kabila ng mga tanong at pag-aalinlangan, kailangan nating bumangon at tumawag sa Diyos. Ang takot at pagkakamali kapag napagpatagumpayan ay maaaring magsilbing aral sa ating paglalakbay. Sa gitna ng dinaranas na mga pasakit, nalalaman natin na ang ating mga hinanakit sa buhay ay may puwang sa puso ng Diyos. Sa bawat panalangin natin, naririnig Niya ang ating pagdaing. Sa ating paglapit ng may pagpapakumbaba at pananampalataya, madarama natin ang Kanyang yakap at pagmamahal. Magbibigay ito ng lakas at pag-asa sa atin upang ipagpatuloy ang ating buhay bilang mga anak ng Diyos dahil kay Jesu-Kristo.


Huwag tayong mag-atubiling lumapit sa Diyos. Pinahahalagahan Niya Niya tayo sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa ating mga panalangin. Kumilos tayo at tawagan Siya sa oras ng pagsubok. Huwag mag-alinlangan. Gamitin ang ating mga takot at pagkakamali bilang mga aral sa buhay. Atin itong yakapin at pagyamanin. Tanggapin natin ang pagmamahal ng Diyos. Tanggapin natin ang pagtutuwid ng Diyos. Ang mga ito ang nagbibigay sa atin ng tunay na lakas at pag-asa upang ipagpatuloy ang paglalakbay sa buhay bilang mga anak ng Diyos.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, O Diyos, yakapin Mo ako sa aking mga pagdududa at mga takot. Sa gitna ng aking mga pagsubok, tulungan Mo akong maging maingat sa aking mga gawa, mga salita, at mga kilos. Puspusin Mo ako ng lakas ng loob at ng pananampalataya sa Iyo.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 2 Samuel 5-6

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions