January 18, 2024 | Thursday
UVCC Daily Devotion
On the Book of Psalms
Hindi Busy Para Unahin Ang Panalangin
Today's Verse: Psalm 3:3–4 (MBBTag)
3Ngunit ikaw, Yahweh, ang aking sanggalang, binibigyan mo ako ng tagumpay at karangalan. 4Tumatawag ako kay Yahweh at humihingi ng tulong, sinasagot niya ako mula sa banal na bundok.
Read Psalm 3
Ang Diyos ang aking sanggalang. Hindi kaabalahan para unahin ang pananalangin sa Diyos.
Ang awit ni David sa Psalm 3 ay pagpapahiwatig ng kanyang malalim na pagkakilala sa katapatan ng Diyos. Malapít o ‘close’ si David kay Yahweh kaya hindi mahirap sa kanya ang manalangin. Alam na alam ni David na hindi mababale-wala ang kanyang paglapit sa Diyos Niyang tapat at may kakayanang tumugon sa kanyang pangangailangan.
Ang lumalagong Kristiyano ay panalangin ang una sa mga pagpipilian. Kapag may mabuti at malungkot na pangyayari, unang ‘choice’ ang pananalangin. Tayo ay binigyan ng Diyos ng ‘direct line’ para magpakumbaba at kausapin Siya. Ang Diyos ay nagbibigay ng tagumpay at karangalan. Siya ang ating sanggalang. Dahil ang Diyos ang ating sanggalang, ang pananalangin ang 'sure' na paraan para ang kalooban ng Diyos na tayo’y isanggalang ay mangyari. Sa pagsanggalang o pagtanggol ng Diyos sa atin, ang siguradong resulta ay tagumpay at karangalan.
Maging masigasig sa pananalangain. Tumawag sa Diyos. Humingi ng tulong sa Kanya. Walang mawawala sa atin kung tayo ay magpapakumbaba at unahin ang panalangin. Magbigay effort. Maging matiyaga. Talunin ang anumang palusot, alibis, o katamaran sa pananalangin. Maraming boses ang magsasabi sa iyo na busy ka kaya mamaya ka na manalangin. Iyan ay sure na hindi yan boses ng Holy Spirit. Manalangin araw-araw. Hindi kailanman sayang ang pananalangin natin.
Panalangin:
Diyos Ama, Ikaw ang aking Diyos. Ikaw ang nais kong unahin na isipin araw-araw. Anuman ang aking mga dalahin o problema sa buhay, ako ngayon ay lumalapit ng may pananalangin. Ako ay nagpapakumbaba. Ikaw ang aking sanggalang. Tulungan Niyo po ako. Maraming salamat.
In Jesus’ Name, Amen.
Pagninilay:
Ano ang ibig sabihin na ang Diyos ang ‘sanggalang’?
Anu-ano ang resulta ng panananalangin sa Diyos na ating sanggalang?
Paano manalangin ng may pagpapakumbaba at may sapat na pananampalaya sa sa Diyos na ating sanggalang?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions