June 25, 2024 | Tuesday | NAGPUPURI SA DIYOS

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Nagpupuri Sa Diyos

Today's Verses: Psalm 98:8–9 (ASND)

8 Magpalakpakan ang mga ilog at sabay-sabay na magsiawit sa tuwa ang mga kabundukan 9 Natutuwa sila sa presensya ng Panginoon dahil darating siya upang hatulan ang lahat ng tao sa buong mundo. Hahatulan niya sila nang matuwid at walang kinikilingan.


Read Psalm 98

May kagalakan ka ba tuwing napag-uusapan ang Diyos?


Ang Psalm 98 ay awit ng papuri tungkol sa Diyos. Ang manunulat ay pinapaalala ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos na ramdam ng mga nagmamahal sa Diyos, ang katuwiran ng Diyos ng pansin ng mga bansa, at ang kaligtasan ng Diyos na abot sa dulo ng mundo. Kaya ganun na lamang ang panghihikayat ng manunulat na purihin ng may buong galak ang Diyos ng Israel na si Yahweh. Maging ang kalikasan ay kasama sa pagpupuri ng buong galak sa Diyos ng Israel.


May ilan na mahalagang katwiran para purihin ang Diyos. Ang pag-ibig, ang katuwiran, at ang kaligtasan ng Diyos ay ilan sa mga katotohanan kaya dapat ipagdiwang ang Diyos. Nakakamanghang isipin na ang pagpupuri sa Diyos ay parang malamya at hindi ganun kahalaga sa maraming mga tao. Ang ‘typical’ na pamilya sa Pilipinas kahit na relihiyoso ay hindi ganun kasigasig na ipagsabi ang Diyos. Mukhang may hamon sa mga lumalagong Kristiyano kung papaano mas maipahayag ang kapurihan ng Diyos. Palaisipan ang galak sa araw-araw na usapin tungkol sa Diyos. Anong level ang excitement ng mga pangkaraniwang Kristiyano kung ikumpara sa sigla ng pagpupuri na meron ang Psalm 98. Ang klase ba ng pagpupuri maging ang panawagan sa Psalm 98 ay ‘literal’ ba o ‘figurative’ lamang? Hinahamon ng panahon at ng mga pagkakataon ang sigla at sigasig ng mga lumalagong Kristiyano sa pagpupuri sa Diyos.


Purihin natin ang Diyos sa salita at sa gawa. Pansinin ang topics tungkol sa Diyos na nabanggit sa itaas. Sukatin ang iyong sarili. Alamin ang iyong alab na ipagsabi ang pag-ibig, ang katuwiran, at ang kaligtasan ng Diyos. Talunin ang hiya at ang pag-aatubili na isama sa usapan ang Diyos. Alamin ang mas gamay mong topic. Ipagsabi ang iyong personal testimony kung gaano kabuti sa iyo ang Diyos, 

Panalangin:

Kapuri-puri Ka, Aming Diyos Ama. Ang kapurihan Mo ay hayag kahit saan. Pag-alabin Mo sa akin ang masidhing katwiran na Ikaw ay dapat purihin at Ikaw din ang siyang maging laman ng mga usapan.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Deuteronomy 9-10

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions