June 24, 2024 | Monday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Ang Ibigin Ang Diyos

Today's Verses: Psalm 97:10 (ASND)

Kayong mga umiibig sa Panginoon ay dapat mamuhi sa kasamaan. Dahil iniingatan ng Panginoon ang buhay ng kanyang mga tapat na mamamayan at inililigtas niya sila sa masasama.


Read Psalm 97

Alam mo na ba kung paano ibigin ang Diyos?


Ang verse 10 ng Psalm 97 ay tumatawag pansin sa mga nagmamahal sa Panginoon. Ang mga tao na nagmamahal sa Diyos ay may kinamumuhian – ang kasamaan. Sinabi ng manunulat na sure ang pag-iingat ng Diyos sa kanila. Ayon din sa manunulat, ang mga buhay ng mga taong tapat sa Diyos ay may pagliligtas na mararanasan.


Ang ibigin ang Diyos ay kakaibang klase ng miracle. Iba ang hatid nitong pakiramdam. Ang ibigin ang Diyos ay may pagbabagong ginagawa sa buhay ng isang mananampalataya. Ito ang malaking palatandaan na ang iniibig mo na ang Diyos – ika’y namumuhi na sa kasalanan. Ang ibigin ang Diyos at kamuhian ang kasalanan ay natural na sabay nade-develop sa pag-usad ng panahon. Habang ang isang Kristiyano ay lumalago sa pag-ibig niya sa Diyos, nagiging kusa na ang pag-iwas sa kasalanan. Ito ay isang miracle. Kapag nasimulan nang ibigin ang Diyos at ang pag-ibig na ito ay naaalagaan at nabibigyan ng sapat na pansin at panahon, ang tungo ng relasyon na ito ay mas lumalalim na ‘connection’. Ito ay matinding miracle. Masaya itong pag-usapan pero magalak na ito’y pinananatilihan. I pray, na araw na ito ay magkaroon tayo ng ‘spiritual breakthrough’ sa pag-ibig ng Diyos. Kung interesado ka talaga kung paano ibigin ang Diyos, basahin mo ang buong devotions na ito ngayong araw. Malalaman mo kung paano ito gawin at i-apply sa buhay mo.


Hindi mahirap ibigin ang Diyos. Simulang ibigin ang Diyos. Paglaanan ng oras na Siya ang focus mo. Andyan ang Kanyang Salita. Andiyan din ang Holy Spirit. Lalo kung ikaw ay Christian believer na, gets mo itong sinasabi ko. Alam nating lahat na ‘time & focus’ ang kadalasang struggle para ibigin ang Diyos – lalo sa napaka-busy nating schedule. Ang bigyan ng ‘time & focus’ ang Diyos ay araw-araw na struggle. Ang tanong ay ilang taon mo na itong struggle? Kailan mo plano na talunin ang struggle na ito? Ilang beses mo itong inihingi ng tawad sa Diyos? Kung gayon, kailangan mo ng tulong na may mag-disciple sa iyo. Sa kabilang banda, kung lesser struggle mo ito, ang gawin mo ay tulungan naman ang ibang kapatiran na mapagtagumpayan ang struggle ng kakulangan ng ‘time & focus’ para ibigin ang Diyos.

Panalangin:

Diyos Ama, nais kong ibigin Ka ng nararapat. Nahihiya na ako na yung tirang oras ko lang ang naibibigay sa Iyo. Bigyan Mo ako ng ‘spiritual breakthrough’. Nais kong ibigin ka ng nararapat

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Deuteronomy 7-8

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions