June 31, 2024 | Friday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Excited Dahil Kay Lord

Today's Verses: Psalm 95:6–7 (MBBTag)

 11Lupa't langit ay magsaya, umugong ang kalaliman, lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang. 12 Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumigaw, pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan.


Read Psalm 96

Nakakaramdam ka ba ng excitement dahil sa relasyon mo sa Diyos?


Ang manunulat ng Psalm 96 ay may excitement na nanghihikayat na magsaya’t ipagdiwang ang Diyos. Inanyayahan niya ang mga tao na makiisa sa mga kalikasan at sa kalingitan sa pag-celebrate ng kaluwalhatian ng Diyos. Para sa manunulat, maraming dahilan para i-celebrate ang Diyos. Ang isa sa pinaka dahilan para i-celebrate ang Diyos ay ang kanyang matapat at makatarungang paghatol


Ang pagiging excited sa Diyos ay ang pagkakaroon ng masayang feeling na kita sa itsura at sa galawan natin. Kung iniisip natin na hindi sagrado ang maging masaya’t masigla sa Diyos, mag-isip muli. Narinig man natin sa iba na dapat seryoso lagi ang mukha para sa Panginoon, think again. Kung ikaw ay nasa Diyos, may dahilan ka para mag-celebrate. Ikaw din ay may pagkakataon para maging excited. Nagiging katanggap-tanggap ka sa Diyos dahil mas kumukonekta ka sa Kanya ng excited. Yan man ay dahil mas kilala mo na Siya at mas ramdam mo na ang kadakilaan Niya, o may bago kang nadiskubre sa Diyos dahil sa pagbabasa mo ng Bible, o may mas naunawaan ka sa pagpapatawad sa iyo ng Diyos, o may mas naramdaman kang kalinga mula sa Diyos, o kaya ay may mas naramdaman kang pag-ibig ng Diyos dahil sa mga pagpapala o pagpapagaling Niya sa iyo. Alinman sa mga ito ang dahilan, ang totoo ay hindi ka mauubusan ng dahilan para magsaya’t ipagdiwang ang Panginoong Jesus.


Magsaya at magdiwang ng may emosyon! Kapag narating mo ang level na ito, hindi mauubos ang iyong excitement sa Diyos. Laging may bago na dahilan para Ang Diyos ay pasalamatan at sambahin. Mas makihalubilo at makisaya’t magdiwang sa mga kapatiran na kapwa exited din sa Lord. Magsama-sama at salinan ng dahilan para ang taong malungkot at malumbay ay maging excited na dahil sa Diyos.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, pununin mo ang puso ng maraming dahilan para magsaya’t magdiwang dahil sa Panginoong Jesus. Marami man ang dahilan para sumuko dahil sa mga pagsubok at problema, mas marami ang dahilan para Ikaw ay aming i-celebrate ng may matinding excitement.

Maraming salamat po. Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Deuteronomy 5-6

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions