June 14, 2024 | Friday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Ang Diyos Ay Hari

Today's Verses: Psalm 93:1-2 (ASND)

1Kayo ay hari, Panginoon; nadadamitan ng karangalan at kapangyarihan. Matatag ninyong itinayo ang mundo kaya hindi ito mauuga. 2Ang inyong trono ay naitatag na simula pa noong una, naroon na kayo noon pa man.


Read Psalm 93

May dating ba sa iyo na ang Diyos ay makapangyarihang Hari?


Ipinaparating ng manunulat ng Psalm chapter 23 na ang Diyos ay Hari. Isinalarawan niya ang mga katangian ng Diyos bilang hari. Ang pagiging hari ng Diyos ay may karangalan, may kapangyarihan, may katatagan, at may kabanalang.


Palaisipan pa maaari sa marami na ang Diyos ay Hari. Ang mas tanggap ng marami ay Tagapagligtas ng tao mula sa kasalanan. Siya ay Diyos na Manlilikha ng lahat ng bagay sa mundo at kalawakan. Mas maliwanag ito sa ibang mga tao. Ganunpaman, parang hindi ganoon kalinaw sa mas marami ang pagiging Hari ng Diyos. Pansinin natin ito: Ang pagiging Tagapagligtas ng Diyos ay nananawagan sa atin ng pagsuko ng ating kasalanan. Ang pagiging Manlilikha ng Diyos ay nananawagan sa atin ng paghanga sa Diyos. Ito ang kaibahan, ang pagiging Hari ng Diyos ay nananawagan sa atin ng pagsunod at bigay-dangal dahil Siya’y hari. Ang pagsuko ng kasalanan at paghanga sa sa Diyos ay mas madali kumpara sa pagsunod at bigay-dangal. Ito ngayon ay palaisipan sa atin. Ito ang panawagan sa atin. Ito rin ay malaking hamon sa atin. Kikilalanin na ba natin ang pagiging Hari ng Panginoong Diyos?


Siyasatin natin ang ating sarili. Mayroon bang sapat na pagsunod at bigay-dangal sa Diyos? Paglaanan ng regular na pagmuni-muni. Dumadalas na ba ang pagsunod natin sa Diyos. Balikan tanaw ang mga utos ng Diyos sa atin na nabinbin. May panawagan na sundin ang Hari.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, ikaw ay Hari! Tulungan Mo akong mas maunawaan na ikaw ay Hari. Turuan mo akong sumunod sa Iyong mga utos. Gawin mo akong masunurin sa Iyong kalooban. Naniniwala ako na hangad Mo ay aking kabutihan.

Salamat. Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Numbers 35-36

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions