June 10, 2024 | Monday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Maiksi Lamang Ang Buhay Ng Tao

Today's Verses: Psalm 90:12 (ASND)

Ipaunawa nʼyo sa amin na ang buhay namin ay maiksi lang, upang matuto kaming mamuhay nang may karunungan.


Read Psalm 90

Naisip mo na ba ng mas malalim kung gaano kaiksi ang buhay ng tao dito sa mundo? 


Si Moses ang nagsulat ng Psalm 90. Ito ang nag-iisang Psalm na siya ang nagsulat. Si Moses ay lingkod ng Diyos na may pagkilala kung sino ang Diyos at maging sa kalooban ng Diyos. Kaya, ang kaisa-isang awit na kanyang isinulat ay naglalaman ng panalangin na bigyan siya pang-unawa tungkol sa layunin ng kanyang buhay. Alam ni Moses na hindi pangmatagalan ang buhay ng tao. Ito ay isinalin niya sa awit kasama ng mahahalagang impormasyon tungkol sa buhay ng tao. 


Ang buhay ng tao ay hindi pangmatagalan. Bawat araw ang buhay ay nababawasan. Ito ay may hangganan. Pansinin natin ang dalawang okasyon na nagaganap ng madalas. Andyan ang birthday. Andyan din ang lamay. Ang mga ito ay magkaiba at may kanya-kanyang dalang mensahe. Isa ay ‘celebration’ o pagdiriwang. Ang isa naman ay ‘sadness’ o kalungkutan. Malinaw ang mensahe na ang buhay ay may umpisa at ang buhay din ay may hangganan. Ang pagitan ng dalawang okasyon ay walang eksaktong panahon. Sa pagitan ng kapanganakan at kamatayan, ay may inilatag na ang DIyos na layunin (purpose) at panawagan (calling). May kinalaman ang Diyos sa iyong buhay. Siya ang mas nakakaalam. Pansinin mo ito o balewalain, ang Diyos pa rin ang nasa dulo. May accountabilities, responsibilities, at priorities ang bawat tao sa buhay na pahiram ng Diyos. 


Unawain na ang buhay mo ay maiksi lamang. Kay bilis nitong umusad. Kaya alamin ang layunin ng iyong buhay. Bigyan pansin ang panawagan sa iyo ng Diyos. Bigyan daan ang plano ng Diyos para sa iyo. Isalaysay sa Diyos ang iyong mga pangarap. Pagkatapos mo isalaysay, tanungin ang Diyos sa kanyang kalooban. May halaga ang ‘opinion’ mo sa iyong buhay. Ngunit, ‘life-and-death scenario’ na malaman mo ang kalooban ng Diyos. Unawain at huwag balewalain na maiksi lamang ang buhay. 

Panalangin:

Aking Diyos Ama, ipaunawa Mo sa akin na ang aming buhay ay maiksi lamang ang buhay. Tulungan Mo ako na pahalagahan Ka at ang buhay na pinahiram Mo.

Para sa Iyong karangalan lamang, sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Numbers 29-30

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions