June 3, 2024 | Monday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Diyos Na Nagmamalasakit At Mahabagin

Today's Verses: Psalm 86:15–16 (ASND)

15 Ngunit kayo, Panginoon, ay Dios na nagmamalasakit at mahabagin. Wagas ang pag-ibig nʼyo, at hindi madaling magalit. 16 Bigyang pansin nʼyo ako at kahabagan; bigyan nʼyo ako ng inyong kalakasan at iligtas ako na inyong lingkod.


Read Psalm 86

Ramdam mo ba ang malasakit at habag ng Diyos?


Muli si Haring David ay nagbigay ng awit sa Diyos. Muli din lumapit ang Hari sa Diyos para siya’y sagutin sa kanyang panalangin. Ito muli ang panahon na si Haring David ay nasa oras ng kagipitan at naniniwala siya na sasagutin siya ng Diyos. Gayun na lamang ang tiwala ni David sa Diyos na bagamat siya’y harin na, hindi niya pa rin kinakalimutan ang Diyos. Tumatawag siya kay Yahweh ng may tiwala. Ang tiwala na meron siya sa Diyos ay nais niyang mas umigting. Kaya ang hiling niya sa Diyos ay bigyan siya ng pusong may takot sa Kanya. Sa gitna ng mga banta at mga problema, si Haring David ay ipagtanggol ng Diyos. Si David ay may malalim na paniniwala na ang Diyos sa Kanya’y may malasakit at may habag.


Sa hirap ng buhay ngayon na nararanasan natin, may sapat pa ba na malasakit at habag ang Diyos sa lahat na tao? Tumigil saglit at sagutin ang tanong: Totoo bang malasakit at habag ba ng Diyos ay available at hindi nauubos. Mula sa Diyos, ito ay dadaloy sa lahat ng tao. At ito pa, ang pagpapala ng Diyos ay dumadaloy ng malaya sa mga tao na nagpakumbabang lumalapit sa Diyos. Hindi ito ‘favoritism’. Ito ay pabor ng Diyos. Ito ay may pag-ibig ng Diyos na walang galit. Ito ay may kasamang kalakasan ng Diyos at pagliligtas ng Panginoon. ililigtas ka ng Diyos. 


Alisin ang anumang pag-aatubili natin sa paglapit ng Diyos. Hindi tinataboy ng Diyos ang nagpapakumbaba. Bigyan halaga ang oras ng pakikipagniig sa Diyos. Hindi sayang ang oras natin sa paglapit sa Diyos. Manampalataya. Magsakripisyo. Iwaksi ang pagdududa at pagmamataas. Bigyan daan sa ating puso ang new season ng UVCC. Makibahagi. Makipagtulungan. Maging giver at generous. Mas kilalanin ngayon ang Diyos. Magtanong sa mas spiritually mature kung paano ang ‘best’ na paraan para makamit ang malasakit at habag ng Diyos.

Panalangin:

Ikaw Diyos Ama, ay nais kong maranasan. Nagpapakumbabang lumalapit sa iyo. Pagtibayin mo ang aking pananalig sa Iyo. Inaalala ko ang sakrispiyo ng Panginoong Jesus. Salamat dahil totoo ka at totoo ang iyong mga pangako.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Numbers 21-22

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions