May 31, 2024 | Friday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Magbigay Inspirasyon

Today's Verses: Psalm 84:10–11 (ASND)

10 Ang isang araw sa inyong templo ay higit na mabuti kaysa sa 1,000 araw sa ibang lugar. O Dios, mas gusto ko pang tumayo sa inyong templo, O Dios, kaysa sa manirahan sa bahay ng masama. 11 Dahil kayo Panginoong Dios ay parang araw na nagbibigay liwanag sa amin at pananggalang na nag-iingat sa amin. Pinagpapala nʼyo rin kami at pinararangalan Hindi nʼyo ipinagkakait ang mabubuting bagay sa sinumang matuwid ang pamumuhay.


Read Psalm 84

Anong meron sa pagiging malapít sa Diyos na hindi mo dapat malampasan kundi dapat mong i-enjoy at ibahagi?


Puno ng pasasalamat ang mga manunulat ng Psalm 84. Ang Templo na sumisimbolo sa presensya ng Diyos ang tampok sa usapan. Dahil sa tula ang pagkakasulat ng Psalms, pinararating lamang na sabik sila na madalas makasama ang Diyos na si Yahweh. Pinararating nila na ang manatili sa templo ay mahigit na dakila kesa sa anumang gawain sa anumang lugar. 


Iba galak ng makasama ang Diyos sa araw-araw. Nakaka-’inspire’ yung alam mo at ramdam mo na nakangiti ang Diyos sa iyo. Ito ay isang pagpapala at isang pribilehiyo. Ikaw man ay nasa iyong daily devotions, o nasa isang Bible study, o di kaya nasa fellowship sa kapwa tao na nagmamahal sa Diyos, iba ang hatid na kagalakan. Hindi mo mapigilan na magpasalamat at magsabi sa Lord na mahal mo Siya. Sa isang banda, nakakalungkot naman isipin na hindi lahat ng tao ay nakakaranas ng ganitong klaseng galak. May ilan sa kanila ang nagtataka bakit hindi naiinip ang isang lumalagong Kristiyano na makipagkwentuhan tungkol sa Diyos, o hindi nagsasawa na pag-aralan ang Bible, o palaging banggitin ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus. Nakakalungkot din na may ilan na dating nararanasan ang galak na makaniig sa Diyos, pero somehow ay nawala ang unang pag-ibig sa Diyos. May nawala na kinang sa mata. May nawalang galak sa puso. Nasa alala na lang. Ganunpaman, ang lumalagong Kristyano ay dito nagliliwanag. Siya ay nagiging ‘inspiration’.


Gawin natin na laging piliin na maging malapit sa Diyos. Iwaksi ang kasalanan na nagdadala ng kalungkutan, takot o depression. Maging ‘consistent’ sa mga non negotiables na gawaing espiritual. Maging ‘inspiration’ sa iba. Kung ikaw naman ay kulang sa sigla, maghanap ng ‘inspiring’ na tao – lalo na ang kapwa Kristiyano. 

Panalangin:

Diyos Ama, hatid Mo ay galak sa aking buhay. Ikaw ang nagbigay ng halaga sa akin. Ako ay napupuno ng ‘inspiration’ dahil sa Iyong Anak na si Jesus. Ang Iyong Salita ay liwanag sa aking buhay. Salamat sa gabay ng Iyong Espiritu.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Numbers 17-18

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions