May 28, 2024 | Tuesday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Ang Makinig At Ang Sumunod Sa Diyos

Today's Verses: Psalm 81:13–14 (ASND)

13 Kung nakinig lang sana kayo sa akin at sumunod sa aking mga pamamaraan, 14 kaagad ko sanang nilupig at pinarusahan ang inyong mga kaaway.


Read Psalm 81

Bakit ganun na lamang ang naisin ng Diyos na tayo ay nakikinig at tayo ay sumusunod sa Kanya?


Ang manunulat ng Psalm chapter 81 ay nagpasimula ng may pasasalamat sa Diyos. Ipinaalala niya ng may pasasalamat ang pagliligtas ng Diyos sa mga Israelita nung sila’y hinango ni Yahweh mula sa Ehipto. Ginabayan ng Diyos ang kanyang bayan. Binigyan ng utos upang kanilang tupdin bilang bayan na niligtas ng Diyos. May lungkot sa pagbalik-tanaw sa Awit 81 na ang bayang iniligtas ni Yahweh ay hindi nakinig sa Diyos at hindi sumunod sa Kanya. Ito ang malalim na dalamhati ng Diyos. Ito ang panghihinayang ng Diyos sa sana ay dapat naranasang mga tagumpay ng Kanyang bayan.


May mabuting dulot ang makinig at sumunod sa Diyos. Kung paanong mahalaga sa isang agila ang kanyang dalawang pakpak, parehong mahalaga ang pakikinig at pagsunod sa Diyos sa isang Kristiyano. Ang Kristiyano na nakikinig sa Diyos ay naliliwanangan. Siya ay nagiging marunong sa buhay. Samahan ito ng lumalagong pagsunod sa Diyos, ang Kristiyano ay nagiging tagumpay sa bawat aspeto ng kanyang buhay. For one, nais ng Diyos na tayo ay maging mentally healthy. Ang maunawaan natin ang ating sarili, ang matuto tayo ng tamang pakikitungo sa ating kapwa, at ang maging marunong sa ating mga desisyon, ay napakalaking tagumpay na. Bukod sa nagiging mas marunong tayong i-manage ang ating time, talent, and treasure, tayo ay mas aasenso sa buhay. Marami man ang mga hadlang, tayo ay makinig at sumunod sa Diyos. Tandaan, may kasiguraduhan ang mga pangako ng Diyos para sa mga nakikinig at sumusunod kay Jesus.


Sundin at pakinggan ang mga pangako at mga utos ng Diyos. Ang mga ito ay nasa Biblia. Huwag ikumpara ang iyong sarili sa ibang tao o sa mga pangarap na narating nila. Bagkus, hamunin mo ang iyong sarili na mas higitan ang iyong sarili sa pag-usad ng panahon. Lumago sa pag-alam ng nilalaman ng Biblia. Gawin mong espirituwal na pagkain at inumin ang pagbabasa at pagbubulay-bulay ng Biblia. Huwag nang ipagpabukas. Maging lumalagong Kristiyano na nakikinig at sumusunod sa Diyos.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, hindi ganun kadali ang makinig at sumunod sa Iyo. Salamat at andyan ang katotohanan ng iyong Salita at ang gabay ng Iyong Banal na Espiritu. Purihin Ka sa mga kaloob na ito.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Numbers 11-12

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions