June 1, 2024 | Saturday
UVCC Daily Devotion
On the Book of Psalms
Solusyon Kapag Feeling Down
Today's Verses: Psalm 85:6–8 (ASND)
6 Hindi nʼyo na ba kami ibabalik sa magandang kalagayan upang kami ay magalak sa inyo? 7 Panginoon, ipakita nʼyo sa amin ang inyong pag-ibig at kami ay iligtas. 8 Pakikinggan ko ang sasabihin ng Panginoong Dios, dahil mangangako siya ng kapayapaan sa atin na kanyang mga tapat na mamamayan; iyan ay kung hindi na tayo babalik sa ating mga kamangmangan.
Read Psalm 85
Ano ang pwede mong gawin kapag down ka?
Nakaranas ang mamamayan ng Israel na sila’y down na down na. Alam nila na nawala ang pabor ng Panginoon sa kanila dahil sa pagsuway sa ‘covenant’ o sa kasunduan sa Diyos. Ramdam nila ang hirap. Ramdam nila ang kaibahan ng may pagpapala ng Diyos kumpara sa pagpapalo ng Diyos. Ang Psalm 85 ay pagpapakumbaba sa Diyos na patawarin na ang Israel at silay ay muling kalingain ng Diyos.
Ang pagiging feeling down ay dahil may problema. May dalawang klase ng problema na dumarating kaya feeling down. May problemang sadyang nangyayari sa buhay na wala kang kinalaman o wala kang ginawang mali. At meron din isang klase ng problema na nangyari dala ng pagsuway ng tao sa kalooban ng Diyos. Ang pangalawa ang pagkakataon na feel mo na down ka talaga dahil may kasamang ‘condemnation’. Sinisisi mo ang iyong sarili. Iniisip mo ang masasayang pagkakataon ng nakaraan. How you wish na ganun na uli. Ngunit ang mga paghihirap o pasakit sa buhay ay nangyayari. Pero kung aminado naman na nagkasala dahil hindi nakasunod sa Diyos, nagiging madali ang proseso ng pagsasaayos at panunumbalik. Ang Diyos ay nahahatak ng kapakumbabaan.
Kapag feeling down dahil sa nagawang kasalanan, kailangan natin na umamin sa ating mga pagkakasala at huwag itong takasan. Pangalanan ang iyong kasalanan. Lumapit sa Diyos ng may pagpapakumbaba. Ihingi din ng tawad ang iyong pamilya at ang bansa. Alalahanin na may mga problema tayo na resulta ng ating pagsuway sa kalooban ng Diyos. Pagkatapos mag-repent, patawarin mo rin ang iyong sarili upang mawala ang ‘condemnation’. Sa iyong pagpapakumbaba, pag-amin, at paghingi ng tawad, aayusin ng Diyos ang iyong puso. Kaalinsabay nito, antabayan ang pagkalinga at ang pagpapala ng Diyos.
Panalangin:
Mapagpatawad Ka, aking Diyos Ama. Ako ay linisin Mo sa mga kasalanang nagawa ko. Panumbalikin mo ang kapayapaan sa aking puso. Hilumin at muli Mong iangat ang aking pagkatao, ang aking pamilya, ang aking pananampalataya, at ang aking bayan.
Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Pagninilay:
Ano ang tunay na pagsisisi?
Ano ang kinalaman ng ‘condemnation’ sa pagiging feeling down?
Paano ito paglalaban ang pagiging feeling down dahil sa nagawang kasalanan?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions