June 4, 2024 | Tuesday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Silang Pinatatatag Ng Diyos

Today's Verses: Psalm 87:4-5 (ASND)

4 Sabi niya [Diyos], “Kung ililista ko ang mga bansang kumikilala sa akin, isasama ko ang Egipto, ang Babilonia, pati na ang Filistia, Tyre at Etiopia. Ibibilang ko ang kanilang mga mamamayan na tubong Jerusalem.”5 Ito nga ang masasabi sa Jerusalem, na maraming tao ang ibibilang na tubong Jerusalem. At ang Kataas-taasang Dios ang siyang magpapatatag ng lungsod na ito.


Read Psalm 87

Nais mo bang malaman kung sinu-sino ang pinatatatag ng Diyos?


Ang Psalms 87 ay papuring awit tungkol sa pagpili at pagpapatatag ng Diyos sa Israel. Isinulat ng mga angkan ni Korah ang awit na ito para awitin sa mga gawain sa Templo ng Jerusalem. Isinasaad dito na ang lipi ng Israel ay may espesyal na bahagi sa puso ng Diyos. Sila kasama ng mga bansa na kumikilala kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, ay kanyang mamahalin at patatatagin dahil sila’y nakipagtipan sa Diyos.


Tayo bilang mamamayan ng Pilipinas ay tinatawagan na makipagtipan sa Diyos. Kung tayo at ang bansa natin ay tutugon sa panawagan at pag-ibig ng Diyos, may mararanasan tayong kakaibang galawan ng Diyos. Ginawa ito at ginagawa pa rin ito ng Diyos sa Israel at sa lahat mga bansang kumikilala sa Kanya. Tayo ngayon bilang mamamayan ng ating bansa ay tinatawag ng Diyos. Tayo ngayon ay buong tiyagang  pinapakitaan ng Diyos ng kabutihan Niya. Pinaparamdam ng Diyos sa atin at sa ating bansa ang Kanyang habag at malasakit. Ang pag-ibig ng Diyos ay nag-uumapaw at nagpapapansin. Tayo ba ay tutugon ng may pagtanggap, pagsamba, at pagsunod sa panawagan? Ang Biblia din ang may may kapahayagan kung papaano ang tamang pagtugon sa Diyos. Ito ay dapat nating alamin. Pagkilala at pagpapatatag ang magiging tugon ng Diyos sa atin, sa ating pamilya, at sa ating bansa.


Tumugon sa Diyos. Pagsisihan ang mga panahon na atin isinantabi ang Diyos. Pansinin ng mabuti kung gaano tayo minahal ng Diyos. Alalahanin na ang lahat ng bagay at pagkakataon sa buhay natin ay mula sa Diyos. Magbigay galang sa Diyos. Kung magkagayon, ang tugon ng Diyos sa ating bansa ay pagkilala at pagpapatatag.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, ikaw ang nagpapatatag sa amin. Nanunumbalik kami sa iyo. Patatagin Niyo po kaming mamamayan ng aming bansa. Ang bansang Pilipinas ay iyong kalingain.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Numbers 23-24

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions