June 5, 2024 | Wednesday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Hindi Mo Kayang I-Offend Ang Diyos

Today's Verses: Psalm 88:1–2 (ASND)

1Panginoon, kayo ang Dios na aking Tagapagligtas. Tumatawag ako sa inyo araw-gabi. 2Dinggin nʼyo ang panalangin ko at sagutin ang aking panawagan.


Read Psalm 88

Ok lang ba na minsan maglabas ng hinaing sa Diyos dahil sa iyong nararanasang dalamhati sa buhay?


Ang manunulat ng Psalm 88 ay buong pusong naghayag ng kanyang hinaing sa Diyos. Ramdam sa kanyang mga salita na labis na ang kanyang dalamhati. Siya ay may pananampalataya. Ngunit siya din ay nasa paghihirap ng kalooban. Ipinaparating niya sa pananalangin sa Diyos na siya’y tigib na ng hirap. Tumatawag siya sa Diyos na siya’y hirap na at halos ikamatay niya na. Feeling niya ay galit sa kanya ang Diyos. Siya ay nanalangin pero tahimik ang Diyos.


Hindi nao-offend ang Diyos sa paglabas ng ating mga hinaing sa Kanya. Mapapansin na pinapayagan sa Biblia ng maglabas ng hinaing sa Diyos. Ang Mga Awit o Psalms ay may nilalaman na mga hinaing sa buhay. Minsan ang dating sa atin ay parang hindi nararapat na magsalita ng ganoon sa Diyos. Sa iba, may feeling sila na baka ma-offend ang Diyos dahil sa bigat ng hinaing. Pero katulad ng sinabi kanina, hindi nao-offend ang Diyos sa pagsasalaysay natin ng ating dalamhati. Maraming karakter sa Bibliya na naglabas ng kanilang hinaing sa ibat-ibang paraan. Ang ilan sa mga karakter na ito ay si Job, si Haring David, si Moses, at maging si Jesus ay mga naglabas ng kani-kanilang damdamin. Na-offend ba ang Diyos? Hindi po! Bagkus naghayag ang Diyos ng kanyang kaisipan at ng Kanyang damdamin. Sa ating panahon, hindi mo kailangan itago sa Diyos ang iyong nararamdaman. Alam Niya rin naman lahat ng iyon. Hindi mo kailangan na magdalawang-isip mag-open sa Diyos. Pakikinggan ka Niya. Kakatagpuin ka Niya. 


Maghayag ng hinaing mo sa Diyos. Alam ng Diyos ang iyong saloobin. Pero kailangan mo pa ring mag-open sa Kanya. Magsalita ng may emosyon. Pakikinggan ka ng Panginoon. Hindi ka Niya itataboy. Kakatagpuin ka Niya. Kakalingain ka Niya. Maging malaya na lumapit sa Diyos gaano man kahirap ang iyong nararanasan.

Panalangin:

Diyos Ama, ako’y lumalapit sa Iyo. Nagpapakumbaba. Maglabas man ako ng hinaing sa Iyo, alam kong hindi mo ako itataboy. Alam kong pakikinggan Mo ako. Salamat sa iyong pagtatyaga sa akin. Salamat sa pagkalinga Mo sa akin. Salamat sa pagliligtas Mo sa akin. 

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Numbers 25-26

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions