June 28, 2024 | Friday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Awit Sa Pag-Ibig Ng Diyos

Today's Verses: Psalm 101:1 (ASND)

Panginoon, aawit ako ng tungkol sa inyong pag-ibig at katarungan. Aawit ako ng mga papuri sa inyo.


Read Psalm 101

Gusto mo bang malaman ng mabilis ang nilalaman ng puso mo?


Ang Psalm 101 ay awit patungkol sa mga hari ng Israel bilang tagapagtaguyod ni Yahweh. Ang mga hari ang tagapagpatupad at tagamasid kung ang kasunduan o ‘covenant’ kay Yahweh ay natutupad ng Israel. Nakakamanghang isipin na sa pasimula pa lamang ng tema ng Psalm 101 ay andon na agad ang naisin ng hari na awitan si Yahweh dahil sa pag-ibig Niyang hindi nagmamaliw. Pansin na napukaw sa hari papuri sa Diyos dahil sa pag-ibig at katarungan Niya.


Ang mga paboritong mong awit o kanta ay may kinalaman sa kung ano meron sa puso mo. Halimbawa, kung ang kinakanta mo ay tungkol sa hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos, ibig sabihin ay naiisip mo ang pag-ibig ng Diyos at pinupuri mo Siya. Ang awitin mo tungkol sa pag-ibig ng Diyos ang nagsasabi na may espesyal na bahagi ang Diyos sa iyong puso. Sadya man o hindi sadya, inihahayag ng inaawit mo ang commitment na meron ka sa Diyos. Ang commitment mo sa Diyos ay ang iyong antas o lalim ng relasyon mo sa Diyos. Pause ka at i-try mong icheck ang song playlist sa cellphone mo. Ano ang tema ng iyong paboritong awit? Ito ba ay pag-ibig at kabiguan, panghihinayang at kalungkutan, saya at pagdiriwang, o iba pa? May Christian worship songs ba? Worship songs ba ito na si LORD ang direkta mo kinakantahan? Ang iyong choice of songs ang mabilisang magsasabi ng nilalaman ng iyong puso – lalo tungkol sa Diyos. 


Alamin ang nilalaman ng iyong puso sa pamamagitan ng iyong paboritong kanta. Payagan mo ang Diyos na siyasatin ka. Sunod ay maging bukas ka sa pagtanggap ng mensahe sa iyo ng Diyos. Kung magkagayon, ang commitment mo sa Diyos ay uunlad. Ipanalangin na lumago ang iyong pananampalataya, pagsamba, at pagsunod sa Diyos. 

Panalangin:

Diyos Ama, akin kitang aawitan. Paggising sa umaga ikaw ang aking naaalala. Tulungan mo ako laban sa tukso na unahin ang cellphone kesa sa aking pananalangin at pagworship. Nais kong simulan ang umaga ng may morning devotions

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Deuteronomy 15-16

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions