June 27, 2024 | Thursday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Dahil Mabuti Ang Panginoon

Today's Verses: Psalm 100:4–5 (ASND)

4 Pumasok kayo sa kanyang templo nang may pagpapasalamat at pagpupuri. Magpasalamat kayo at magpuri sa kanya. 5 Dahil mabuti ang Panginoon; ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan, at ang kanyang katapatan ay magpakailanman!


Read Psalm 100

May kwento ka ba ng kabutihan ng Diyos sa iyo?


Psalm 100 ay isa  sa mga pinaka maiksing Awit. Mayroon lamang siyang limang verses. Ang awit na ito ay tungkol sa pasasalamat sa Diyos. Nagpapasalamat ang manunulat sa kabutihan ng Diyos. Kanyang hinihikayat ang kanyang kapwa Israelita na sumigaw ng masaya kay Yahweh, kilalanin pa si Yahweh, at pumasok sa templo ng Diyos ng may pasasalamat.


Ang kabutihan ng Diyos ay may kalakip na kwento. Bakit kwento? Ang kwento natin bilang tao ay naglalaman ng emosyon ng ating pagiging tao. Ang kwento ay nagpapahayag ng saya, sigla, pasasalamat, at iba pa. Ang kabutihan ng Diyos ay best na nabibigyan ng buhay lalo kung nakapaloob sa isang pagsasalaysay o kwento. Kung ikaw ay may sensitibong pakikitungo sa Diyos, siguradong ikaw ay may kwento kung paano nagparamdam ang Diyos ng kabutihan Niya sa iyo. Ang kwento mo tungkol sa kabutihan ng Diyos sa iyo ay malakas na ebidensya ng iyong relasyon sa Kanya. Ang kwento na sinasalaysay sa kapwa tayo ay senyales ng iyong pasasalamat sa Diyos. Di mo mapigilan na sarilinin lamang ang mga kwentong ito.


Magkwento sa iba ng kabutihan ng Diyos. Andyan ang iyong mga kaibigan at mga kamag-anak. Sila maaari ay nag-aantay ng iyong kwento tungkol sa Diyos. Namnamin ang iyong kwento. Pagbulay-bulayan ito. Ikaw muna ang mag-enjoy sa iyong kwento. Sanayin ang iyong sarili. Maging handa na ikwento sa iba ang kabutihan sa iyo ng Diyos. Ipagdiwang ang Diyos!

Panalangin:

Mabuti ka, Diyos Ama sa langit. Walang sawa na ipinapadama Mo ang iyong kabutihan. Purihin ka araw-araw. Purihin Ka sa iyong tahanan. Ikaw ay mabuti.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Deuteronomy 13-14

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions